Mga tauhan sa restaurant ni Shamcey Supsup, dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Mga tauhan sa restaurant ni Shamcey Supsup, dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

- Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang mga crew sa restaurant ni Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup

- Paliwanag ng mga empleyado, anim na buwan na raw silang na-lay-off sa trabaho ngunit wala pa silang natatanggap na separation pay

- Bukod pa rito, nagpatawag din ng meeting ang kompanya pero hindi lahat ay nakausap kaya ang iba ay naghihintay pa rin sa status ng trabaho nila

- Handa naman daw tumulong ang DOLE na pumagitna sa mga empleyado at kanila Shamcey upang maayos ang problemang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Humingi ng tulong ang mga empleyado sa restaurant ni Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup-Lee sa programa ni Raffy Tulfo.

Nalaman ng KAMI na lumapit ang mga staff ni Shamcey sa Raffy Tulfo in Action upang humingi ng payo para sa kanilang sitwasyon.

Pamilyang kinuyog ang nurse na nag-swab test sa kanila, nasampolan
Mga tauhan sa restaurant ni Shamcey Supsup, dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa YouTube video ng Raffy Tulfo in Action, halos anim na buwan na raw na-lay-off sa trabaho ang mga empleyado pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakukuha ang kanilang separation pay.

“Six months na po kasi ‘yung lay-off ng work namin, sir. Pero as of now, sir, wala manlang pong paramdam samin si company sir, kung ano po bang status meron kami. Kung may babalikan pa kaming trabaho or wala na po,” paliwanag ni Benedict Angeles, isa sa mga empleyado.

Nagpatawag umano ng meeting ang restaurant para sa mga empleyado nito ngunit pa-isa-isa lang ang kinakausap. Binigyan din umano ng 4 hours a day ang ilang empleyado pero hindi pa raw lahat ay nakaka-usap.

Payo naman ni Idol Raffy, dapat ay magkaroon ng maayos na komunikasyon ang mga empleyado at ang may-ari ng restaurant para malaman ang status ng trabaho at kompanya nila. Dagdag na rin rito ang pagbibigay ng kanilang separation pay.

Audio Engineer, sinabing boses ng babae ang mga 'bulong' sa ilang video ng RTIA

Samantala, handa naman daw ang Department of Labor and Employment (DOLE) na pumagitna sa mga empleyado at kanila Shamcey upang magka-usap at magkaayos ang mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Shamcey Supsup ay isang kilalang beauty queen sa Pilipinas. Siya ang nanalong Binibining Pilipinas Universe 2011. Ni-represent naman niya ang Pilipinas sa Miss Universe noong 2011 at nanalo siya bilang 3rd runner-up dito.

Nitong may pandemya, napabalita naman na namigay ng pagkain para sa 100,000 na mga COVID-19 frontliners si Shamcey para gunitain ang birthday niya.

Samantala, nag-react din si Shamcey sa pagtatalaga sa kanya bilang bagong head ng Miss Universe Organization.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel