Anak, inirereklamo ang ama na ginawang kabit ang kanyang misis

Anak, inirereklamo ang ama na ginawang kabit ang kanyang misis

- Inireklamo ng anak ang kanyang ama at kanyang misis dahil sa kanilang relasyon

- Bagaman at nag-a-abroad pa noon ang ama, pinaniniwalaan nilang noon pa man ay nagsimula na ang relasyon ng mga ito

- Mismong ang ina ang nakahuli sa relasyon ng dalawa at napaamin pa nila ang mga ito

- Kasalukuyan na raw na nakatakas at sinasabing nagsasama na ang mga ito

- Kaya naman desidido na ang mag-ina na samapahan ng kaso ang dalawang nagkasala sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Anak, inirereklamo ang ama na ginawang kabit ang kanyang misis

Photo from Pxhere
Source: UGC

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo na "Wanted sa Radyo" ang mag-inang sina Crismar at Myla Pineda.

Nalaman ng KAMI na inirereklamo nila ang ama na si Benjamin at asawa ni Crismar na si Girlun.

Nahuli umano nila kasi ito na mayroon ngang relasyon.

Kwento ng mag-ina, August 19 pa raw nila nakumpirma ang itinatagong pag-iibigan ng manugang at biyenan dahil sa mga chat na nakita mismo ni Myla sa cellphone ni Girlyn.

Raffy Tulfo, ipasusuri sa eksperto ang di umano'y imahe ng babaeng nahagip sa video

Doon kinompronta na rin nila ang mga ito at sinabing mahal nga nila ang isa't isa.

Nakita rin nila ang mga resibo ng padalang pera ni Benjamin noong siya ay nag-a-abroad pa kaya pinaniniwalaan ni Crismar na nagsimula ang relasyon ng kanyang asawa at kanyang ama noong OFW pa ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Walang tigil ang pag-iyak ni Myla lalo na at handa pa siya noong tanggapin muli ang mister ngunit nagmatigas na umano ito.

Nasabi pa raw nitong kahit na ipa-Tulfo sila ay hindi sila natatakot kaya naman tinotoo na rin ng mag-ina.

Kasalukuyan na ring nakaalis ang dalawa na pinaniniwalaan nilang magkasama lalo na at nabalitaan nilang nakabili pa ng motor ang ama.

Sa sobrang sakit ng ginawa nina Benjamin at Girlyn sa mag-ina, desidido na silang kasuhan ito at anumang oras ay maari na raw ipadampot ang dalawang ito.

BB Gandanghari, binalikan ang naging "honeymoon period" nina David at Jonathan

Labis na nagpasalamat ang mag-ina na bakas ang pighati sa nakaririmarim na pangyayari.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, isang nakakagulat ding kaso ng pakiki-apid ang idinulog sa programa ni Tulfo.

Ang dati niya kasing best friend ang mismong naging kabit ng kanyang ama. Kalmadong humarap sa Wanted sa Radyo ang mag-ina at isinalaysay ang buong pangyayari. Tulad ng inaasahan, natulungan din sila ng kanilang Idol Raffy.

Isang kilalang broadcast journalist si Raffy Tulfo na mas nakilala sa kanyang programang 'Wanted sa Radyo' tuwing tanghali dahil sa agarang aksyon niya sa mga sumbong ng naaagrabyadong Pilipino.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel