Mag-lola at iba pang miyembro ng pamilya, nagpositibo sa COVID-19
- Labis na pag-aalala ang naramdaman ng isang ginang matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang miyembro ng kanilang pamilya
- Kabilang dito ang kanyang anak, mga magulang, asawa at mga kapatid
- Lumobo rin at umabot sa P4 million ang bill nila sa ospital kaya naman napilitan na silang magbenta ng mga ari-arian
- Ilan sa mga sintomas na naramdaman ng pamilya ay lagnat at LBM na pareho-parehong naranasan ng mga ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Labis ang pag-aalala na naramdaman ng ginang na si Des Escobedo matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang miyembro ng kanilang pamilya.
Kabilang na rito ang isa sa kanyang mga anak, mga magulang, asawa at mga kapatid.
Ayon sa kwento ni Des sa panayam dito ng GMA Public Affairs, nagsimula ang lahat noong bumalik ang yaya ng kanyang mga anak matapos mag-day off para kumuha ng SAP.
Ngunit nilalagnat na raw pala ito nang umuwi. At nang malaman ito ng ina ni Des na si Dehlia Centeno ay agad nila itong pinauwi.
Pero matapos ang dalawang araw ay nagsimula nang lagnatin si nanay Dehlia kaya naman umuwi muna ito sa kanilang tahanan.
Ngunit kinalaunan ay nakaramdam na rin ng sintomas ng sakit ang kanyang mga kapatid. Maging si Des ay nilagnat na rin at 'di nagtagal pati ang kanyang dalawang anak at asawa ay nilagnat na rin.
Napagpasyahan ng pamilya na sumailalim na sila sa swab test. Ngunit hindi pa man lumalabas ang resulta ay isinugod na sa ospital ang inang si Dehlia.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ayon sa isang kapatid ni Des, na nagpositibo rin sa virus, tila wala na raw sa sarili ang ina at pabalik-balik na rin ang mataas na lagnat.
Maging ang ilang kapatid ni Des ay nakaranas na rin ng mga sintomas ng virus.
Kinalaunan ay ang asawa naman ni Des na si Edward ang isinugod sa ospital. Katulad ni nanay Dehlia, tila nawala na rin daw sa sarili ang lalaki.
Nito lamang August nang isugod na rin sa ospital ang ama ni Des na si tatay Pascual.
Ngunit ang labis na dumurog sa puso ng mga ito ay nang malamang positibo sa virus ang isa sa kambal na anak ni Des.
Bukod sa pag-aalala sa kalusugan ng pamilya ay dagdag pahirap din ang lumobong bayarin ng mga ito sa ospital na umabot na sa P4 million.
Sa kabila ng pagsubok na hinarap ng pamilya ay nanatili ang pananalig ng mga ito sa Panginoon at walang sawang nagdasal para sa ikagagaling ng mga may sakit.
Naniniwala si Des na malaking tulong ito sa paggaling ng mga kaanak. Sunod-sunod na nagnegatibo na ang mga ito sa COVID-19. Nakalabas na rin sa ospital ang ama at asawa ni Des.
Ang inang si Dehlia naman ay nananatili pa sa ospital dahil na rin sa mga komplikasyong dulot ng COVID-19 ngunit gumaling na sa virus.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa kasalukuyan ay mayrooon nang 291,789 naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa. 56,097 ay mga active cases. 230,643 ang recoveries at 5,049 naman ang naitalang namatay.
Dati na ring naiulat nang isang guro naman ang nahawaan ng COVID-19 habang naghahanda sa pasukan. Nahawaan din nito ang ilang miyembro ng kanyang pamilya.
Kamakailan, gumimbal naman sa publiko ang pagpanaw ng kilalang vlogger na si Lloyd Cadena dahil sa heart attack. Bago ito ay nagpositibo ito sa COVID-19.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh