69-anyos na lolo sa Tuguerarao, walang awang pinagtulungan di umano ng 6 na lasing

69-anyos na lolo sa Tuguerarao, walang awang pinagtulungan di umano ng 6 na lasing

- Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang 69-anyos na lolo na di umano'y pinagbubugbog ng nasa anim na mga kalalakihan

- Sinasabing mga lasing daw ito na sumugod sa bahay ng matanda na kanilang pinagbabato

- Nahuli naman umano ang mga gumawa nito sa matanda subalit hindi nabigyan ang mga ito ng karampatang kaparusahan

- Ayon sa imbestigador, nasaktan din umano ang mga suspek kaya naisugod din ang mga ito sa ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

69-anyos na lolo sa Tuguerarao, walang awang pinagtulungan di umano ng 6 na lasing
Raffy Tulfo (Photo from Raffy Tulfo's Instagram)
Source: Instagram

May bakas pa ng pananakit ang 69-anyos na lolo na si Lauriano Melad mula Tuguegarao nang humingi ito ng tulong kay Raffy Tulfo sa programa niyang 'Wanted sa Radyo.'

Nalaman ng KAMI na walang awang pinagbubugbog si Tatay Lauriano ng nasa anim na kabataang sinasabing mga lasing.

Base sa kwento ng misis ng biktima, nag-uusap lamang ang kanyang mister at tiyuhin nito sa tapat ng kanilang bahay nang dumaan ang mga kabataang naka-motor.

Read also

Raffy Tulfo, ipasusuri sa eksperto ang di umano'y imahe ng babaeng nahagip sa video

Napa-imik daw umano ang tiyuhin ni Tatay Laurian ng "Anong problema?" na tila minasama ng grupo.

Nakabalik pa umano ng bahay ang biktima gayundin ang tiyuhin nito at umalis din naman ang anim na lalaki.

Ngunit bandang alas kwatro ng hapon nang araw ding iyon, bumalik ang grupo ng kalalakihan at pinagbabato ang bahay ni Tatay Lauriano.

Nang makita nila ito, agad siyang nabugbog dahilan paran magtamo ng ilang mga pasa at sugat sa katawan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dumating naman ang anak ng biktima na si Arnie Melad at aminadong nahampas din niya ang mga suspek.

Nilinaw niyang depensa lamang niya ito at sinasaktan ang walang kalaban-laban niyang ama.

Lumalabas umano na binabaliktad sila ng mga suspek at sinabing sila rin ang nanakit dahilan para sila rin ay ma-ospital.

Sa panayam sa imbestigador ng kaso na si P/Cpl Aian Jay Gamayon ng Tuguegarao City Police sinabi nitong kaya di nila agad na naaksyunan ang nangyari kay Tatay Lauriano ay dahil sa nalagak din sa ospital ang mga suspek.

Read also

Vlogger na di umano'y tinawag na retokada si Xyriel Manabat, nag-sorry

Subalit base na rin sa abogado ng programa na si Atty. Gareth Tungol, malinaw na lapse in judgment ang nagawa ng imbestigador.

Itutuloy ng pamilya ang kaso laban sa anim na nanakit kay Tatay Lauriano.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala si Raffy Tulfo sa mabilis niyang pag-aksyon sa mga sumbong ng naaapi.

Ngunit kamakailan lamang ay binalot ang kanyang programa ng kababalaghan kung saan ang mismong mga netizens ang may naririnig na kakaibang mga boses at salita sa ilan sa mga episodes ng naturang programa.

Agad niyang pinasuri ang mga video sa mga eksperto upang malaman kung ano nga ba ang gumagambala sa kanila habang sila mismo ay live sa programa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica