Unggoy, nakapag-selfie gamit ang CP ng lalaki na inakala nilang nanakaw

Unggoy, nakapag-selfie gamit ang CP ng lalaki na inakala nilang nanakaw

- Nagulat ang isang lalaki nang makita niya ang larawan ng isang unggoy na pinaniniwalaang nakakuha ng kanyang cellphone

- Nawala raw ito habang siya ay natutulog ngunit naiwan naman ang casing nito sa ilalim ng kanyang kama

- Sinubukan ng kanyang ama na hanapin ito sa likod bahay nila at doon ito natagpuan sa may putikan

- Doon nila napag-alamang isang unggoy ang nakakuha nito at tinangka pa umanong kainin subalit ang kinalabasan, selfie at ilang video pa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Unggoy, nakapag-selfie gamit ang CP ng lalaki na inakala nilang nanakaw
Unggoy na nag-selfie sa nawalng cellphone ni Rodzi (Photo from Zackrydz Rodzi Twitter)
Source: Twitter

Agaw eksena sa social media ang isang pangyayari sa Malaysia kung saan isang binatilyo ang nawalan ng cellphone at nang matagpuan ay puro 'selfie' na ng isang unggoy.

Nalaman ng KAMI na ang lalaking ito ay si Zackrydz Rodzi na nanakawan daw ng cellphone habang siya ay natutulog.

Ayon sa Philippine Star, nagising na lamang si Rodzi na wala ang kanyang cellphone ngunit naiwan ang casing nito.

Read also

Batang lansangan na nanonood ng cartoons sa wifi kiosk sa Maynila, umantig sa puso ng netizens

Nang makita ng kanyang ama na may umaaliging unggoy sa kanila, naisipan nitong maghanap sa kagubatang nasa likod bahay lamang nila.

Ayon sa DBR News, gamit ang cellphone ng kapatid ni Rodzi, natawagan nila ang nawawalang cellphone at natagpuan ito sa putikan.

"My uncle was joking that maybe the monkey took some selfies with the phone. ... So when I checked my phone picture gallery, I was shocked. The suspect's face was plastered on the screen. It was hilarious," pahayag nit Rodzi.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Tinangka pa umanong kainin ng unggoy ang cellphone bago niya ito tuluyang itapon.

Hindi lamang mga selfie ang nakita sa smartphone ni Rodzi kundi video kung na nagsilbing ebidensya nito sa kung ano ang mga ginawa ng unggoy sa cellphone base sa ulat ng BBC News.

Read also

Babala! Naiwang charger, hinihinalang dahilan ng sunog sa Maynila

Kung ang unggoy ang sinasabing kawangis ng mga tao sa ilang aspeto, aso naman ang itinuturing na man's bestfriend.

Kaya naman marami ang nag-aalaga ng aso na minsan pa nga ay itinuturing na parang anak kung kanila itong alagaan.

Ang ilan, wala mang sariling aso ay ganoon na lamang ang pagpapahalaga at pag-aaruga sa mga mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tulad ng isang batang lansangan na nagmalasakit na bantayan ang isang aso na naiwan pansumandali sa labas ng coffee shop.

Kaya namn minsan, ang mga asong ito ay marunong ding magparamdam ng kanilang katapatan at pagmamahal sa taong nag-aruga sa kanila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica