Pinay vlogger na biktima ng fake news, humingi ng tulong kay Ben Tulfo

Pinay vlogger na biktima ng fake news, humingi ng tulong kay Ben Tulfo

- Dumulog na sa programa ni Ben Tulfo ang Pinay vlogger na si Yasmin Asistido

- Ito ay dahil biktima umano siya ng fake news kung saan mayroong mga nagpapakalat ng balitang may COVID-19 siya

- Ang masaklap, mayroon ding nagsasabing nag-aagaw buhay na siya na wala naman daw umanong katotohanan

- Pinayuhan ni Ben Tulfo ang vlogger kung ang nararapat nitong gawin sa mga bashers nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinay vlogger na biktima ng fake news, humingi ng tulong kay Ben Tulfo

Ben Tulfo (Photo from Bitag Facebook)
Source: Facebook

Humingi na ng tulong kay Ben Tulfo ang Pinay vlogger na si Yasmin Asistido o mas kilala bilang si "Kween Yasmin" dahil sa biktima umano siya ng fake news.

Nalaman ng KAMI na sa programa ni Tulfo na 'Bitag' inilahad ni Yasmin na mayroon umano siyang mga bashers na nagpapakalat na mayroon siyang COVID-19.

Kinuha umano ang larawan niyang nakaratay sa kama sa isa sa kanyang mga 'acting video' upang magmukha siyang may sakit.

Ngunit ang labis na ikinainis ng vlogger ay nang sabihin pa ng ilan na nag-aagaw buhay na raw siya dahil sa virus.

Dahil dito, minabuti na raw ni Yasmin na dumulog kay Tulfo upang patigilin na ang nagpapakalat ng malisyosong balita sa kanya na wala namang katotohanan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Agad na tinanong ni Tulfo kung kilala ba mismo ni Yasmin ang mga nagpapakalat ng fake news sa kanya.

Nabanggit niya ang mga pangalan ngunit marahil daw ay mga dummy accounts iyon o mga ginawa lamang upang makapang-bash ng netizens.

Ipinaliwanag ng host, na mas mainam kung hindi na lamang pansinin ni Yasmin ang mga bashers na ito gayung wala namang katotohanan ang mga ipinakakalat ng mga ito tungkol sa kanya.

Lalo lamang daw kasing gaganahan ang mga naninirang ito sa vlogger kung ito ay papatulan pa niya.

Kaya naman inanunsyo na lamang ni Ben Tulfo sa kanyang programa na walang katotohanang may COVID-19 si Kween Yasmin at hindi rin totoong na nag-aagaw buhay na ito.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, kamakailan ay pumanaw ang sikat na vlogger ng bansa na si LLoyd "Kween LC" Cadena.

Nagkaroon umano ito ng COVID-19 at sa kasamaang palad ay inatake sa puso habang siya ay natutulog.

Labis na nagdadalamhati ang kanyang pamilya, mga kaibigan at ang milyon-milyon niyang mga tagasubaybay sa biglaan niyang pagkamatay sa edad na 26.

Maging ang kanyang idolo na si Mariah Carey ay nagpaabot ng pakikiramay sa pamilyang iniwan ni Lloyd.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel