Misis, kumbinsidong asawa niya ang lalaking nakitang palaboy sa Southern Leyte

Misis, kumbinsidong asawa niya ang lalaking nakitang palaboy sa Southern Leyte

- Hindi napigilang maging emosyonal ng isang misis matapos niya makita ang isang post tungkol sa isang lalaki sa Southern Leyte

- Kumbinsido kasi siyang asawa niya ang lalaking iyon na tila wala din sa tamang pag-iisip

- Sampung taon niyang hindi nakikita ang asawa matapos malunod ang barkong sinakyan nito noong 2010

- Aminado ang ginang na inakala niyang wala na ang kanyang mister dahil na rin sa tagal ng panahon na lumipas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang maiyak ng isang ginang na nagngangalang Jennifer Emnace (Nenen Abelada sa Facebook) matapos nitong makita ang post ng isang netizen tungkol sa isang lalaking napadpad sa kanilang lugar.

“Naghilibiun gid ko kay siya gid ya. Iya gid hitsura. Ang iya kilay, ang iya tiil.” (Naiyak talaga ako sa kanya. Kamukha niya talaga. Ang kanyang kilay, ang kanyang paa.)

Ayon sa Aksyon Radyo Iloilo Facebook page, nakatira sa Sagay City, Negros Occidental ang ginang.

Kahit pa 10 taon na ang lumipas simula nang mawala ang asawa niyang si Nomer Emnace, kumbinsido siyang asawa niya nga ang lalaking nakita.

Napag-alaman ng KAMI na isang crew ng barkong M/V SF Freighter ang asawa ni Emnace. Nalunod ang nasabing barko sa Dos Hermanas Island sa Marinduque noong Agosto 7, 2010.

Isang crew ang naiulat na namatay sa nasabing paglubog ng barko. Nailigtas ang iba pang crew ngunit hindi na nahanap si Nomer.

Misis, kumbinsidong asawa niya ang lalaking nakitang palaboy sa Southern Leyte

Lisa Mike Corporal Facebook account
Source: Facebook

Natagpuan naman ang kanyang bag na naglalaman ng mga papeles niya ngunit ito ay napadpad sa Laguna.

Sa Laguna naman nakita ang bag sang iya bana nga naga-unod sang mga papeles.

Aminado ang ginang na inakala niyang wala na ang kanyang mister dahil na rin sa tagal ng panahon na lumipas.

"Gin-ako ni Jennifer nga masami nagapabatyag ang bana kag isa ini suno sa iya sa mga rason nga kun kaisa nagapati siya nga napatay na gid man ini, pero indi gale tanan nga nagapabatyag, patay na.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang isang netizen ang nagbahagi ng mga litrato ng lalaki sa Raffy Tulfo Facebook page. Ito ang naging daan upang makita ni Jennifer ang nasabing post.

Agad nakipag-ugnayan umano ang ginang sa netizen na nag post at dahil dito ay nakumpirma niya umano ang kanyang hinala nang makita ang ilang palatandaan ng pagkakakakilanlan ng kanyang asawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Noong August 18 nang mag-viral ang mga larawan ni nurse Lorraine habang tinutulungan ang palaboy na nanganak sa isang gilid ng kalsada.

Marami ang humanga rito at mabilis na kumalat sa iba't ibang local news site. Napag-alaman din na late na pala noon ng isang oras ang nurse sa kanyang trabaho at tila itinadhana na siya ay mapadaan sa lugar.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel