Lalaking mahusay magpinta, nagbebenta ng kanyang artworks para may makain
- Nag-viral ang larawan ng isang lalaking mahusay magpinta at binibenta ang mga obra sa halagang P100
- Ayon sa uploader ng larawan nito, halos hindi raw makapagsalita ang matanda nang ito ay kausapin niya dala marahil ng panghihina at di pa raw ito kumakain
- Kahanga-hanga raw ang mga larawang pinta ng lalaki na yari lang sa oslo paper at mga improvised gel pens
- Bukod sa wala na itong makain, nauubusan na rin daw ito ng mga materyales sa paggawa ng kanyang mga obra
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw=eksena sa social media ang mga likhang sining ng isang lalaking nasa gilid ng kalsada sa Taguig City.
Nalaman ng KAMI na mahusay magpinta ang lalaki ibinibenta ang kanyang mga obra sa halagang P100 lamang.
Base sa ulat ng ABS-CBN, hindi na raw naitanong pa ng uploader ng larawan na si Inna Arriana ang pangalan ng lolo dahil hindi rin daw ito gaanong nagsasalita.
Napansin din daw ni Inna na improvised gel pens at oslo paper lang ang gamit nito sa paglikha ng kanyang mga obra.
Sa panayam pa ng Philippine Star sa uploader, nasabi raw ng isa pang vendor sa lugar na tila hindi nakakakain ang matanda kaya marahil naisipan nitong ibenta ang mga naipinta niya para may pambili ng pagkain.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ayon pa sa Radyo Singko 92.3 News FM, matatagpuan umano ang pintor na ito sa Salinio Drug Store sa Waterfun, Cuasay Road, C5 Taguig City.
Ayon pa kay Inna, may gcash daw ang matanda at mas maganda raw kung direkta itong matutulungan.
"Frame na lang kulang and it can spice up your boring wall/s. And nakatulong pa kayo sa kanya at sa pamilya niya," ayon pa kay Inna.
Hangad ng marami na matulungan ang lalaki at ninanais din nilang makatulong lalo na at gumagawa talaga ito ng paraan may kitain sa panahon ng krisis na ramdam ng bawat isa sa atin.
Ginamit niya ang kanyang talento upang kumita sa marangal na paraan kaya hangad ng marami na dagsain ito ng tulong lalo na isa siyang mabuting tao na nais lamang maghanap-buhay.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa panahong nararanasan nating ang pandemya, nangingibabaw pa rin ang mabubuting puso ng mga taong hangad ang kabutihan para sa mga higit na ngangailangan.
Ang ilan, tulad ng lalaking pintor na ito ay ginagamit ang kanilang talento at kalakasan para rin makatulong sa iba.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh