Natulungan ni Raffy Tulfo, namahagi ng tone-toneladang gulay para sa mga nagugutom

Natulungan ni Raffy Tulfo, namahagi ng tone-toneladang gulay para sa mga nagugutom

- Kahanga-hanga ang naisipang gawin ng dating natulungan ng programa ni Raffy Tulfo

- Tinatayang nasa 10,000 kilo ng mga gulay ang kanyang ibibigay at napagdesisyunan ng programa ni Tulfo na ipamahagi ito sa mga nagugutom ngayong humaharap tayo sa pandemya

- Maswerteng mabibigyan nito ang Barangay Commonwealth at Barangay Payatas

- Hindi raw makakalimutan ng natulungan ni Tulfo ang nagawa nito sa kanya kaya naman nais din niyang makatulong sa iba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natulungan ni Raffy Tulfo, namahagi ng tone-toneladang gulay para sa mga nagugutom

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Pinamarisan na nga ang kabutihang ginagawa ni Raffy Tulfo na maging ang taong natulungan niya ay nais na ring magpaabot ng tulong sa iba.

Nalaman ng KAMI na apat na taon na ang nakararaan nang matulungan ng programa ni Tulfo si George Punasen.

Ngayon, siya naman daw ang nais na magpaabot ng kanyang tulong ngayong marami sa ating mga kababayan ang dumaranas ng krisis dala ng COVID-19.

Tinatayang nasa 10,000 kilo ng mga gulay tulad ng lettuce, sayote at iba pa ang isasakay sa truck mula Benguet patungong Maynila.

Ayon kay Tulfo, ipamamahagi nila ito sa dalawang barangay at ito ay sa Commonwealth at Payatas.

Makatatanggap ang bawat nasabing barangay ng tig' 5,000 kilo ng mga gulay na ipamamahagi nila sa kanilang residente.

Maging si Tulfo ay humanga sa inisyatibo na ito ng negosyante na mayroon pa lang farm.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nag-alok pa nga ito na kung kailangan pa ng tulong, handa pa siyang mamigay pa ng gulay.

Ginagawa lamang daw niya ito dahil hindi niya makalimutan ang ginawang malaking tulong sa kanya ng kanyang Idol Raffy.

Kaya ngayon, siya naman ang magbabahagi ng kanyang biyaya sa mga kababayan nating labis naapektuhan ng pandemya.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala si Raffy Tulfo sa pagtulong at pagbibigay solusyon sa mga kababayan nating naagrabiyado.

Kahit pa siya ay nagtutungo sa ibang bansa, kinakitaan siya ng pagiging likas na matulungin sa kapwa tao.

Ordinaryong tao man, sikat na artista o prominenteng personalidad, nagagawan niyang bigyan ng aksyon ang mga idinudulog nito sa kanyang programa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel