It’s Showtime hosts, nawindang nang magkaroon ng surprise wedding proposal sa TNT

It’s Showtime hosts, nawindang nang magkaroon ng surprise wedding proposal sa TNT

- Nagulantang ang mga "It’s Showtime" hosts nang mauwi sa isang wedding proposal ang kanilang 'Tawag ng Tanghalan' segment

- Sa gitna ng interview sa contestant at sa nobyo nito, biglang inalok ng kasal ng lalaki ang babae

- Maging ang mga host ay nagulat sa ginawa ng lalaki kahit nasa video call lang ito

- Ang mga netizens ay kinilig din sa live wedding proposal ng foreigner sa contestant

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila maging ang mga It’s Showtime hosts ay hindi inaasahan ang pasabog na ginawa ng nobyo ng isang 'Tawag ng Tanghalan' contestant.

Nalaman ng KAMI na sa gitna ng mga pagpapatawa ng hosts ay biglang nag-propose ang foreigner na lalaki sa kanyang nobya.

It’s Showtime hosts, nawindang nang magkaroon ng surprise wedding proposal sa TNT

Tawag ng Tanghalan (Photo from Wikimedia Commons)
Source: Facebook

Ayon sa YouTube video ng ABS-CBN Entertainment, ang contestant na si Kristel Herrera ay isang singer sa cruise ship. Dito niya nakilala ang kanyang boyfriend na si Joshua Mumby na isang ring singer doon.

Kwento ng contestant, miss na miss na niya ang boyfriend niya dahil matagal na silang hindi nagkakasama at naudlot ang mga plano nila ngayong may COVID-19 pa rin.

Sumali sa interview si Joshua sa pamamagitan ng video call. Habang tinuturuan niya ang host na si Vhong Navarro ng English, dito naman inalok ng kasal si Kristel.

“Will you do me the great honor of becoming my wife?” tanong ni Joshua kay Kristel.

Nagulat naman ang mga hosts ng It’s Showtime. Tila hindi nga makapaniwala ang mga ito sa nangyari.

“Oh my God! Nag-propose siya!” sabi ni Vice Ganda.

Samantala, maging ang mga netizens naman ay kinilig din sa surprise wedding proposal na naganap. Narito nga ang mga komento nila sa Facebook page ng ABS-CBN News:

“Sana all kilig much #Just Love”
“Congratulations at best wishes.”
“Wow Congratulations and Best Wishes to both of you.”
“nkka inlove.... kka kilig”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kahit na ipinasara na ang ABS-CBN Network, patuloy pa rin ang It’s Showtime sa kanilang pagpapasaya sa mga madlang people. Patuloy din ang kanilang sikat na singing contest na Tawag ng Tanghalan.

Kamakailan, napa-walk out nga si Vice Ganda habang kumakanta sila ng opening song ng It’s Showtime dahil naging emosyonal siya sa naging desisyon ng Kamara sa prangkisa ng ABS-CBN.

Panandalian ding nawala si Vice Ganda sa It’s Showtime kamakailan dahil kinailangan niyang sumailalim sa 14-day quarantine matapos lumabas para sa isang shooting.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel