Nakakikilabot na 'firenado', naganap sa kasagsagan ng wildfire sa California

Nakakikilabot na 'firenado', naganap sa kasagsagan ng wildfire sa California

- Sa kasagsagan ng wildfire sa California sa Amerika, naganap din ang nakababahalang 'firenado' sa lugar

- Ayon sa mga eksperto, labis na mapanganib ang pangyayaring ito na mas nagpalawig sa nagaganap na wildfire

- Base sa mga meteorologist, kidlat ang naging sanhi ng malawakang sunog na tumupok na rin umano sa ilang kalapit na kabahayan

- Sa laki at tindi ng apoy, tinatayang nasa 5% pa lamang ang napupuksang apoy base sa huling update

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakikilabot na 'firenado', naganap sa kasagsagan ng wildfire sa California
Wildfire in California (Photo from Getty Images)
Source: UGC

Bukod sa bagsik ng COVID-19 na patuloy na nananalasa sa Amerika, kasalukuyang lumalaganap ang wildfire sa northern California.

Nalaman ng KAMI na nito lamang linggo, Agosto 16 nagsimula ang malakihang wildfire na tumupok na rin sa ilang kabahayang malapit sa lugar.

Ayon sa meteorologist, pinaniniwalaang kidlat ang pinagmulan ng nakakikilabot na sunog na ito.

Sa ulat ng NBC News, tinawag nila itong 'wild night' kung saan ilang oras na nasaksihan sa lugar ang kakaibang kidlat at thunderstorm na nagresulta pa sa mga maliliit na sunog sa mga tinatamaang lugar.

Bukod pa rito, sa kasagsagan din ng malawakang sunog, isang kakaibang pangyayari muli ang namataan ng ilan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ito ang tinatawang nilang 'firenado' na sobrang delikado na mangyari saan man.

Ayon sa eksperto, labis na mapanganib ang firenado dahil bukod sa pangkaraniwang buhawi, may kaakibat itong apoy.

"Firenadoes are an extreme weather phenomenon that can occur with rotating fire columns,” pahayag ng U.S. National Weather Service in sa Reno, Nevada.

Agad na nagtaas ng tornado warning sa lugar upang makalikas ang malalapit sa pinangyayarihan nito.

Nakunan ng ilang residente ang pananalasa ng firenado sa lugar.

Masasabing ito na raw ang pinaka-bayolenteng 'summer thunderstorm' na naranasan nila dahil sa iba't ibang kakaibang pangyayari na lalong nagpainit sa lugar.

Matitinding sakripisyo na ang isinasagawa ng mga bumberong umaapula sa sunog lalo na at nasa 5% pa lang ng apoy ang kanilang napapatay.

Nakararanas din sila ng heatwave kaya naman panaka-nakang power interruptions ang kanilang mararanasan upang maibsan ito.

Hindi raw ito ang unang pagkakataon na naganap ang isang firenado sa California.

Taong 2018, tinatayang kasing laki ng tatlong football field din ang natupok ng firenado na ikinasawi rin ng isang bumbero.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa ating bansa, malalakas na lindol ang naranasan kasabay ng patuloy na paglaganap ng COVID-19.

Sa bansang Indonesia naman, malakas na pagputok ng bulkan ang kanilang naranasan habang nakikipaglaban din ang kanilang bansa sa tumataas na bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa kanila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica