Mayor Isko, binigay ang ₱700,000 na talent fee sa pagpapagawa ng simbahan sa Pandacan
- Nilaan ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang buong talent fee niya sa nasunog na simbahan sa Pandacan
- Ito ay mula raw sa isa sa kanyang mga endorsements na nagkakahalaga ng ₱700,000
- Malaking tulong daw ito sa pagpapagawa ng Sto. Niño Church sa Pandacan na natupok ng apoy noong Hulyo
- Nang ito ay maganap, agad itong pinuntahan ng alkalde at sinabing tutulong siya sa muling pagpapatayo ng nasunog na simbahan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tinupad na ng alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno ang pangako niya sa Sto. Niño Church sa Pandacan na tutulong siya sa pagsasaayos nito.
Maaalalang nito lamang Hulyo nang matupok ito ng apoy at agad ding napuntahan ng alkalde.
Nalaman ng KAMI na ang perang donasyon ni Yorme Isko ay mula sa kanyang talent fee sa pagiging endorser ng Livergold.
Ayon pa sa kanyang Facebook post, agad niyang inihatid ang donasyon upang masigurong masisimulan na ang pagpapagawa ng nasunog na simbahan.
"Ito po ay ang aking buong talent fee mula sa aking pagmomodel sa Livergold, at ito po ay agad nating inihatid sa kanila para po dagdag tulong sa pagsasa-ayos ng simbahan," aniya.
Naipangako rin kasi niya kay Msgr. Sonny de Claro ng naturang simbahan ang pagpapaabot ng tulong at ngayon ay kanya na itong tinutupad.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"Para sa mga minamahal kong taga-Pandacan, makakabangon po tayong lahat dito. Tiwala lang po at pananalig sa Diyos," pahayag ng alkalde sa kanyang post.
Tunay na kahanga-hanga ang serbisyo ng Ama ng Maynila sa kanyang Lungsod. Maaalalang hindi ito ang unang beses na nai-donate niya ang kanyang talent fee para sa mahahalagang pangangailangan ng Maynila.
Minsan na siyang nagpaabot ng tulong sa Philippine General Hospital mula sa milyon-milyong talent fee niyang nakuha sa product endorsements.
Di lamang sa kanilang lungsod. Maging ang mga naging biktima noon ng matinding lindol sa Cotabato ay nakatanggap ng limang milyon pisong tulong mula pa rin sa talent fee ng alkalde.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Maalalang nang minsan din siyang naimbitahan sa 'Bawal Judgmental' ng Eat Bulaga, imbis na iuwi ang premyo, hinati niya ito sa mga overseas Filipino workers na kalahok sa programa at isinama muli niya ang talent fee niya sa guesting niya roon.
Si Mayor Isko Moreno ay unang nakilala bilang isang aktor na produkto ng 'That's Entertainment.'
Siya ang ika-27 na alkalde ng Maynila at kasalukuyang naninilbihan sa kinalakhan niyang siyudad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh