Nurse, umani ng papuri matapos tulungan ang nanay na nanganak sa kalsada

Nurse, umani ng papuri matapos tulungan ang nanay na nanganak sa kalsada

- Tampok sa social media ngayon ang isang nurse dahil sa kanyang kabaitan

- Kahit na may COVID-19 pa rin sa bansa, hindi ito naging hadlang sa kanya upang tulungan ang isang ina

- Biglang nanganak ang nanay sa may kalsada at hindi naman nagdalawang-isip ang nurse na tulungan ito

- Maraming mga netizens nga ang napabilib sa ginawang serbisyo ng nurse sa babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging viral sa social media ang isang nurse dahil sa kanyang pinamalas na kabaitan ngayong may krisis pa rin ng COVID-19 sa bansa.

Nalaman ng KAMI na tinulungan pa ng nurse ang isang nanay na nangangailangan ng tulong.

Nurse, umani ng papuri matapos tulungan ang nanay na nanganak sa kalsada

Photo Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa Facebook post ng News5, tinulungan ng nurse ang isang ina nang manganak ito sa kalsada sa Makati. Wala umanong bahay ang nanay kaya sa tabi-tabi na lang ito nanganak.

Mabuti na lang ay mabait ang isang nurse at ang ilan pang mga Pinoy kaya nagtulong-tulong sila habang nanganganak ang babae.

Makikita ngang hiniga na lang sa karton ang babae at ang sanggol niya nang isilang ito.

Maraming mga netizens naman ang namangha sa kabaitan ng nurse. Basahin ang mga komento nila rito:

“Great job... underrated hero/silent hero.. Godbless the nurse in return for such act of kindness.”
“My utmost respect Mam and to all our selfless frontliners”
“Salute to all nurses and medical frontliners!”
“Bravo young lady! The call of duty wherever you are shows your dedication to your selected profession....more power”
“Big salute talaga tayo sa ating mga health workers Heroes”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong may pandemya sa bansa, mas kinilalang mga bagong bayani ang mg health workers na labis ang pag-aalaga sa mga taong may COVID-19.

Subalit, may ibang mga medical frontliners pa rin ang nakakaranas ng hindi maganda. Isang nurse ang nagpositibo sa COVID-19 at kwento niya, pinabayaan daw siya ng ospital na pinapasukan niya.

Samantala, isang nurse naman ang pumanaw bago pa man niya makuha ang hazard pay na hinihintay niya na pinangako ng gobyerno.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel