Batang cancer warrior, naisip pang tumulong sa mga frontliners

Batang cancer warrior, naisip pang tumulong sa mga frontliners

- Kahanga-hanga ang ginagawa ngayong ng isang batang bagaman at may iniindang karamdaman ay nagagawa pa ring tumulong

- Sa pamamagitan ng kanyang mga art works, nakakalikom sila ng kanyang ina ng pondo upang matulungan ang mga frontliners sa ospital

- Ito raw ang naisip nilang paraan upang maibalik ang mga naitulong din sa kanila ng mga medical workers lalo ng nang Philippine General Hospital mula nang malaman nila ang kondisyon ng bata

- Kamakailan ay nakabenta at nakalikom sila ng halagang mahigit ₱50,000 na inilaan sa Philippine General Hospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Batang cancer warrior, naisip pang tumulong sa mga frontliners

Aedan Pio (Photo from Instagram)
Source: Instagram

Nakaka-inspire ang adhikain ng batang si Aedan Pio, 9 na taong gulang na sa kabila ng sarili niyang karamdaman ay naisipan pa rin nila ng kanyang ina ang pagtulong.

Nalaman ng KAMI na mayroon si Aedan na tinatawag na Chordoma o isang uri ng kanser sa buto.

At dahil hindi makalabas ng bahay tulad ng ibang bata na pinagbabawalan bilang pag-iingat sa COVID-19, ang paggawa ng artworks ang nagsilbing libangan ni Aedan.

Outer space ang madalas na tema ng mga paintings ni Aedan. Naibahagi rin niya sa panayam sa kanya ng Inquirer na nais talaga niyang maging astronomer balang araw.

Ito rin ang naging daan upang makatulong si Aedan at kanyang pamilya sa mga frontliners ng ospital lalo na ng Philippine General Hospital (PGH).

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bukod sa alam nila ang ilang kakulangan sa mga ospital ngayong patuloy pa rin ang paglaganap ng COVID-19 sa iba't ibang bahagi ng bansa partikular na sa Metro Manila, ito narin ang naisip nilang paraan upang mapasalamatan ni Aedan ang ospital na nag-aaruga sa kanya mula nang malaman niya ang kanyang karamdaman, nasa limang taon na ang nakalilipas.

Kamakailan nga ay nakalikom siya ng mahigit ₱50,000 na kanyang inilaan para sa mga frontliners ng PGH.

Patuloy pa rin ang paggawa ni Aedan ng mga nakamamangha niyang paintings at patuloy din siyang nakakatulong kahit na siya mismo ay may sariling laban na kinahaharap.

Ayon pa sa kanya, magaan sa kanyang pakiramdam at masaya siya sa kanyang ginagawa lalo na at alam niyang nakakatulong siya sa iba.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong panahon ng pandemya, nakakatutuwang isipin na lalong umiiral ang pagtutulungan ng mga Pilipino.

Minsan pa nga, nagagawa nating isakripisyo ang pansariling kaginhawahan o kaligayahan, makapagbigay tulong lamang sa mga taong higit na nahihirapan.

Ang ilan, nagtataglay pa ng malawak na pag-iisip at isinasantabi ang takot at pangamba, makapaghatid lamang ng tulong sa mga mas nangangailangan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel