Motibo sa pagpaslang ng anak sa inang natagpuan sa septic tank, inilahad na

Motibo sa pagpaslang ng anak sa inang natagpuan sa septic tank, inilahad na

- Idinetalye mismo ng isa pang anak ng biktima ang ilan pang detalye kaugnay sa pagkamatay ng ina na kagagawan di umano ng kapatid niya at nobyo nito

- Tumagal ng apat na taon bago mahanap ang bangkay ng biktimang inakala lamang na nasa ibang bansa

- Kaya naman laking gulat ng anak na ang hinahanap niyang ina ay matatagpuan nila sa mismong bahay at wala nang buhay

- Nasabi na rin ang dahilan kung bakit nagawa raw ito ng kanyang kapatid at dating kasintahan nitong tumira noon sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Motibo sa pagpaslang ng anak sa inang natagpuan sa septic tank, inilahad na

Maria Evelyn Sayos (Photo from Joanna Marie Sayos Facebook)
Source: Facebook

Nito lamang Hulyo, gumawa ng ingay ang kwento ng ginang na si Maria Evelyn Sayos na natagpuang naagnas na ang bangkay sa sarili niyang bahay sa Dasmariñas, Cavite.

Nalaman ng KAMI na kaya labis itong napag-usapan ay dahil isa sa kanyang dalawang anak ang itinuturong suspek sa kanyang pagkamatay.

Nagpaunlak sa programang Imbestigador ang isa pang anak ni Evelyn na itinago sa pangalang 'Michael' upang magbigay pa ng karagdagang detalye sa pagkamatay ng ina.

Kwento ni Michael, naisipan niyang ipagawa ang kusina ng kanilang bahay. At nang tinitibag ang sementadong bahagi ng kanilang septic tank, doon sumambulat ang masakit na katotohanang naroon ang kanyang 'nawawalang' ina.

Una raw na nakita ang mga mahahalagang dokumento nito tulad ng mga identification card at pasaporte bago tuluyang mahukay ang naagnas nang bangkay ng ina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Doon mas lalong lumakas ang ebidensya na may kinalaman ang kanayng kapatid na si Joanna Marie Sayos at kasintahan nitong si Ronald James Ruby sa pagkamatay ng kanyang ina.

Ayon pa kay Michael, huli niyang makita ang inang si Evelyn nang magpaalam siyang di makakauwi sa bahay upang magawa ang kanyang thesis.

Lumalabas na isang araw lamang nawala noon si Michael at kinabukasan, bigla na lamang niyang nalaman sa kanyang kapatid na nagpunta raw sa Singapore ang ina.

Doon pa lang, kinutuban na si Michael dahil sa hindi naman maayos na nagpaalam ang kanyang ina.

Ang masaklap pa rito, nagawa pa umanong gamitin ni Joanna ang social media account ni Evelyn para padalhan ng ilang mensahe si Michael at mapapaniwalang buhay pa ito.

Matinding galit ang nararamdaman ni Michael sa kapatid lalo na sa kasintahan nito lalo pa at ang lumalabas na dahilan lamang ay ang madalas na pangaral ni Evelyn sa magkasintahan lalo na at 16-anyos lang si Joanna noong bumuo ito ng pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinatira na rin kasi nina Evelyn ang kasintahan ni Joanna sa kanilang bahay kaya naman kargo na nila ang dalawa maging ang baby nila.

Kaya hindi maiiwasang mapagsabihan ng ina ang magkasintahan lalo na siya pa rin ang bumubuhay sa mga ito.

Murder at parricide ang isinampang kaso ni Michael sa kapatid at kasintahan nito.

Kasalukuyan pang nakakalaya sina Joanna at Ronald habang hinihintay ang resulta ng DNA test na siyang maituturing na mabigat na ebidensya sa kaso.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel