OFW sa Hong Kong, may bahay, lupa, sasakyan at negosyo na sa loob ng 4 na taon
- Kahanga-hanga ang kasipagan ng overseas Filipino worker na ito sa Hong Kong na nakapagpundar na ng ari-arian sa loob ng apat na taon
- Bagaman at matagal na panahon na siyang nangingibang bansa, masasabi niyang sinuwerte siya sa Hong Kong at doon siya nagkaroon ng mababait na amo
- Mula sa malaking pamilya kung saan 12 silang magkakapatid, ito ang naging dahilan din niya kung bakit nangarap talaga siyang maiangat ang kanilang pamumuhay
- Natulungan na rin niyang makapagbayad ng utang ang kanyang ina habang unti-unti na niyang tinutupad ang dati lamang na pinagpaplanuhan sa buhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakaka-inspire ang kwento ng buhay ng OFW na si Merry Rose Molo Tumonog na kasalukuyang nasa Hong Kong.
Tulad ng ibang overseas Filipino workers, kahirapan ng buhay sa bansa ang nag-udyok sa kanya upang magtrabaho abroad.
Masasabing swerte si Merry dahil bukod sa mabait ang kanyang employer, unti-unti na niyang natutupad ang kanyang mga pangarap para sa kanyang pamilya sa loob lamang ng apat na taon.
Narito ang kabuuan ng kwento ni Merry na buong pagmamalaki niyang ibinahagi mismo sa KAMI:
"My name is Mary Rose Molo tumonog. Domestic helper sa Hong Kong for almost four years by next year January. Nag work po ako sa waffle time located at Tagbak terminal Iloilo City then hindi nag work out kasi mababa po talaga ang sahod kaya nagpasya akong pumunta sa kapatid ko sa Maynila which is pa extra-extra lang sa kapatid ko. Nagbabantay ng mga anak niya at sa tito ko sa tindahan nila. Minsan patahian naman ng kurtina ng isa ko pang uncle.
Siguro Lahat naman tayo ay may pangarap di ba? Mahirap lang kami at marami kaming magkakapatid. 12 kasi kaming magkakapatid. Ang isa kong kapatid ay nasa Jordan. Gusto ko talagang makatulong sa nanay ko na mabayaran ang mga utang namin sa Bumbay.
Pag-uwi ng ate ko galing Jordan nag-text ako sa kanya na baka naman pwede niya ako ng maipasok sa kanyang trabaho. Ngunit hindi pa pwede dahil 20 years old pa lang ako nun.
Ang ginawa ko nag-process ako ng mga papeles ko at nilakad ko yun ng madaling araw pa lang para makapila sa pagkuha ng passport way back 2009.
Gutom pagod antok ang naranasan ko pati ang tindi ng init at muntik na akong himatayin sa gitna ng overpass sa Pasay patawid ng Dimple star station para kumuha ng diploma.
Nung time na yun gusto ko ng mag give-up kasi pinaka-mahirap po talaga lalo na sa lagay namin na walang pera.
Pero hindi ako tumigil dahil pangarap ko talaga namang ako ng nanay ko sa utang at makapahinga na rin siya sa pagtitinda sa palengke. Kasi yung nanay ko ang namahala sa maliit na pwesto ng lola ko sa palengke.
Ngunit sa dami naming magkakapatid hindi sapat ang kita niya sa pang araw-araw. Tricycle driver din ang tatay ko at sapat lang na pang ulam namin ang kanilang kinikita sa araw-araw kaya naman bata pa lang ako ay nangarap na ako ng mangibang bansa.
DI ko sukat-akalain na ayaw akong pag-aralin ng aking ama sa college. Sobrang sakit sa part ko dahil mukhang unfair dahil ang mga kapatid ko ay nakapagtapos naman sa college at pang-lima ko sa aming magkakapatid, ang panganay namin ay graduate ng Bachelor of business management habang ang pangalawa naman ay nag-graduate ng secretarial.
Saktong 21 years old ako nang lumipad ako papuntang Jordan at sumunod sa ate ko na naroon. sa una napakahirap po ang buhay OFW at maisip mo kung gaano kahalaga ang bawat perang kinikita mo buwan-buwan.
Sa ika-9 na buwan kuro umuwi na ang ate ko sa Pilipinas at naiwan akong mag-isa. Doon ko nakilala ang aking sarili at kung paano tumayo sa sarili kong mga paa
Hanggang sa unti-unti ko na ring nabayaran ang utang ng nanay ko at fast forward pagkatapos ng dalawang taon nag-apply naman ako sa Kuwait.
3 years ako sa Kuwait hanggang sa nag migrate kami sa Cambodia. Almost three months ako doon bago ako nagdesisyon na umuwi ng Pilipinas.
Pagbalik ko ng Pinas after 2 months, two months nag-asawa na ako. Sa una medyo mahirap dahil biglaan po kasi parang nabigla ang lahat lalo na ang tatay ko. Di niya tanggapin hanggang sa kinasal kami ng asawa ko, hindi nagpakita ang tatay ko pero okay na ang lahat ngayon.
Di pa rin ako nag give-up sa mga pangarap ko kaya nag-apply ako sa Hong Kong noong 2016 at hanggang ngayon ay nandito pa rin ako.
May anak na kami ng isang lalaki, 5 years old na sa September.
Masasabi kong maswerte pa rin ako sa employer ko dahil kung saan sila nagta-travel kasama nila ako sa Canada Thailand Macau at iba pa.
Sa ngayon di kami nakakaalis ng Hong Kong dahil sa ppademya kaya stay lang kami sa bahay.
Sa apat na taon ko dito, mayroon na akong naipundar na bahay lupa motor tricycle at hanapbuhay sa dagat.
Bilang isang OFW malaking tulong talaga sa akin dahil siguro hindi ko makakamit ang mga ito kung nasa Pilipinas lang ako. Ang narerealize ko sa buhay, dapat kung ano man ikaw noon, ganun pa rin hanggang ngayon at wala dapat magbabago at sa mga katulad kong OFW sikaping magtira ng sahod kahit magkano para lang sa pag-uwi mo makikita mo ang iyong mga pinagpaguran Maraming salamat po."
Nakatutuwang isipin na may mga kababayan tayong OFW na maagang nakakamit ang mga pangarap para sa kanila at sa mga mahal nila sa buhay.
Maswerte ang iba sa kanila na mabilis silang nakakapagpundar na nangangahulugan lamang na mas mapapadali ang pag-uwi nila sa Pilinas at di na muli pang mangingibang-bansa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh