Babae, namangha sa ginawang tulong ng 1 parking boy sa kanya

Babae, namangha sa ginawang tulong ng 1 parking boy sa kanya

- Labis na namangha ang isang netizen sa isang batang parking boy matapos siya nitong pakitaan ng kakaibang kabutihan

- Pag-amin pa ng netizen, hindi niya inasahan ang ginawa nitong pagtulong sa kanya

- Sa pamamagitan ng social media, ibinahagi ng netizen ang kanyang nakaka-touch na karanasan na umani ng mga papuri at paghanga para sa bata

- Ayon pa nga sa netizen, sa maliit na paraan ng bata ay napagtanto niyang hindi nasusukat sa liit o laki ang kakayahan para tumulong sa iba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis na namangha ang isang netizen sa isang batang parking boy matapos siya nitong pakitaan ng kakaibang kabutihan sa munti nitong paraan.

Sa Facebook post ni Joy Anne Vicente, inamin din nito na hindi niya inasahan ang ginawa ng bata para siya ay tulungan kahit pa nga hindi naman niya ito hiningi.

Sa pamamagitan ng social media, ibinahagi ni Vicente ang kanyang nakaka-touch na karanasan na umani ng mga papuri at paghanga para sa bata.

Kwento nito, naghihintay raw siya sa parking lot ng OWWA sa Pampanga nang lapitan siya ng bata na nakilala niyang si Joshua.

Babae, namangha sa ginawang tulong ng 1 parking boy sa kanya

Photo from Joy Anne Vicente Facebook account
Source: Facebook

"Unang pasok ko sa parking, sa likod lang ako ng isang sasakyan nagpark. So nung aalis na yung nasa harapan ko, kinailangan kong lumabas na mauna to give way and this kid guided me.

"Inabutan ko lang sya ng barya and nagthank you ako. Mga 12:20, pumunta sya sa tabi ng sasakyan asking if I'm okay kasi lunch time na," anito.

Ibinahagi rin nito ang kanilang naging usapan matapos nito.

Him: "Ate, kanina ka pa jan ah. Matagal ka pa ba?"

(I thought may pagpapark-in sya kaya sya nagtatanong)

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Me: "Hindi ko nga alam e. Di pa kasi tapos sila Mama sa loob. Kumain ka na? Ba't nasa labas ka? Bawal ang bata diba?"

Him: "Opo Ate. Nakisubo ako sa mga guard, katatapos lang. Dito lang talaga ako sa parking. Ikaw di ka pa ba kakain?"

Me: "Hintayin ko na sila Mama. Wala pala kasi akong dalang wallet."

Him: "Edi gutom ka na niyan? Ano bang gusto mong kainin may canteen naman dito bilhan kita."

Me: "Wag na. Okay lang ako. Hintayin ko nalang sila baka patapos na yun."

Him: "May bente ka ba jan?" (Akala ko nanghihingi)

Me: "Puro coins lang to e, wala akong wallet talaga. Sorry."

Him: "Ehhh? Magugutom ka niyan sana dumating na kasama mo."

Matapos nito ay agad naman daw umalis ang bata. Pero maya-maya raw ay muling kumatok sa bintana ng kanyang sasakyan ang bata at inaabot sa kanya ang isang turon.

Him: "Ate oh. Turon. Binilhan kita. Di ka kasi nagbigay ng bente e. Para sana kanin nalang bibilhin ko, 20 lang naman ulam pwede na."

"Pinipilit ko na sya nalang yung kumain ng turon kasi nakisubo lang sya sa mga guard na nag-aalaga sa kanya. Pero yung 10 pesos na inabot ko earlier pinangbili nya pa ng turon kasi gutom na daw ako.

"I'm so touched. May mga tao pa rin talagang ganito. Minsan kung sino pa yung walang wala, sila pa yung nagbibigay," sabi ng dalaga.

Ayon pa nga sa netizen, sa maliit na paraan ng bata ay napagtanto niyang hindi nasusukat sa liit o laki ang kakayahan para tumulong sa iba.

Pagliliwanag naman ni Vicente, pareho silang naka-mask ng bata ng mga oras na iyon. Napag-alaman din niyang pamangkin ito ng isa sa mga security guards doon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa mga panahong ito na madalas tayong makarinig ng masasamang balita, masarap sa pakiramdam na may mga ganitong istorya tayong mababasa.

Pero hindi na ito bago sa ating mga Pinoy na kilala bilang matulungin sa kapwa.

Dati nang naibalita ang tungkol sa batang parking boy na nagsauli ng wallet na kanyang napulot. Dahil dito ay dinagsa ito ng tulong at nakapagtapos na ng elementarya kamakailan.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel