Pamangkin ni Meyah Amatorio na dinukot kahapon, natagpuang patay

Pamangkin ni Meyah Amatorio na dinukot kahapon, natagpuang patay

- Isa nang malamig na bangkay nang matagpuan ang pamangkin ni Meyah Amatorio na dinukot kahapon kasama ng dalaga

- Natagpuan ang bangkay nito sa liblib na lugar ilang metro ang layo kung saan nakita ang bangkay ni Jang Lucero

- Karumal-dumal ang inabot ng binata na mukhang pinahirapan muna bago patayin ayon sa mga awtoridad

- Samantalang si Meyah naman ay hindi pa rin natatagpuan hanggang sa ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Makalipas ang ilang oras matapos dukutin kahapon, July 29, 2020, si Meyah Amatorio at ang pamangkin na si Adrian Ramos, patay na nang matagpuan ang huli.

Batay sa report ng "24 Oras" ng GMA News, natagpuan ang bangkay ng binata malapit sa lugar kung saan nakita ang bangkay ni Jang Lucero, ang nobya ni Meyah, noong June 28.

Pamangkin ni Meyah Amatorio na dinukot kahapon, natagpuang patay

Screen grab from 24 Oras
Source: Facebook

Karumal-dumal ang inabot nito na nagtamo ng mga saksak sa dibdib, may nakataling alambre sa leeg at may tama ang ilong. Indikasyon daw ito na pinahirapan muna ito bago tuluyang pinatay.

Mayroon ding karton na nakapatong sa bangkay ni Ramos kung saan may nakalagay na mensahe.

Samantalang si Meyah naman ay hindi pa rin natatagpuan hanggang sa ngayon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang naiulat ang pagdukot ng limang 'di pa nakikilalang kalalakihan sa dalawa kahapon, bandang 12:00 ng tanghali.

Sa isang kuha ng CCTV, makikita pa ang pag-alis ng mga ito sakay ng isang sasakyan na sinundan ng dalawa pa.

Ayon naman sa PNP Laguna, patuloy pa rin ang kanilang paghahanap kay Meyah.

Iniimbestigahan din kung may kinalaman ito sa kaso ng pagpaslang kay Jang.

Hindi na rin nagbigay pa ng iba pang pahayag ang pamilya Amatorio sa takot para sa kaligtasan ni Meyah. Pero iginiit ng ina ng dalaga na walang kasalanan ang kanyang anak o kahit na sino sa kanilang pamilya sa pagkamatay ni Jang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Una nang itinanggi ni Meyah Amatorio ang pagkakasangkot niya sa brutal na pagpatay kay Jang Lucero.

Kamakailan lang ay dinakip ng mga pulis ang ex girlfriend ni Meyah na si Ann Shiela Belarmino na unang itinurong suspek ngunit pinalaya rin kinalaunan.

Sa kabila nito, nais pa rin ng pamilya ni Jang na imbestigahan ng NBI si Meyah.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel