Slim na slim talaga! Babaeng may napakaliit na bewang, kinagiliwan ng netizens

Slim na slim talaga! Babaeng may napakaliit na bewang, kinagiliwan ng netizens

- Tampok sa social media ngayon ang babaeng may napakaliit na bewang

- Ang babaeng taga Myanmar ay agad sumikat online dahil sa kanyang kakaibang pangangatawan

- Siya nga ay naging kandidato sa Guinness Book of World Records para sa may pinakamaliit na bewang

- Naglabas din ng reaksyon ang mga netizens sa kakaibang bewang ng babaeng ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral sa social media ang isang babaeng may napakaliit na bewang sa Myanmar.

Nalaman ng KAMI na ang mga netizens ay nagulat sa liit ng bewang ng babae dahil hindi ito pangkaraniwan.

Slim na slim talaga! Babaeng may napakaliit na bewang, kinagiliwan ng netizens

Larawan mula sa Facebook ni Su Moh Moh Naing
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng Definitely Pinoy, ang babaeng si Su Moh Moh Naing, 23 anyos, ay may waistline na 13.7 inches.

Siya ay naging kandidato sa Guinness Book of World Records para sa may pinakamaliit na bewang. Subalit, natalo siya ng isang babaeng British na may waistline na 13 inches.

Dahil sa kanyang kakaibang pangangatawan, agad naman siyang naging sikat sa Internet at dumami ang kanyang followers.

Tila maging ang mga netizens ay nawindang din sa kanyang napakaliit na bewang. Narito nga ang mga komento nila sa Facebook:

“GRABE NMN NASAAN ANG BUTO NYAN NASA PWET LAHAT?”
“pambihiraaa”
“Nagpatanggal yata ng ribs yan jusko”
“Nasan na Yung MGA organs NYAAA? Ahahahha joke”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, maraming mga artista sa Pilipinas ang may maliliit din na waistline at talaga namang maganda ang katawan.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, pinakita ni Chie Filomena ang kanyang maliit na waistline sa social media. Bukod pa rito, ipinamalas din niya ang kanyang abs.

Sa isa pang ulat ng KAMI noon, si Miss World 2013 Megan Young naman ay nagpaplano noon na muling ibalik ang kanyang 23-inch waistline kaya talagang kinareer niya ang pagwo-workout.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel