Sweet pala noon! Anak na suspek, viral ang lumang posts sa nanay bago niya patayin ito

Sweet pala noon! Anak na suspek, viral ang lumang posts sa nanay bago niya patayin ito

- Namataang patay ang isang ina sa loob ng septic tank matapos ang apat na taon

- Ang suspek nga sa trahedyang ito ay ang sarili niyang anak at ang nobyo ito

- Ngayon, naging viral sa social media ang mga lumang post ng anak para sa kanyang nanay bago ito mawala

- Base sa mga post, naging sweet naman noon ang anak sa kanyang nanay at ganito rin ang nanay niya sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kamakailan nga ay nabalita ang pagpatay ng isang anak sa mismo niyang nanay at kasabwat pa nga niya ang kanyang nobyo sa krimeng ito.

Nalaman ng KAMI na kumalat naman sa social media ngayon ang mga lumang post ng anak na si Joanna Marie Sayos para sa kanyang nanay na si Evelyn Sayos noon bago niya ito patayin.

Sweet pala noon! Anak na suspek, viral ang lumang posts sa nanay bago niya patayin ito

Larawan mula sa Facebook account ni Joanna Marie Sayos
Source: Facebook

Taong 2016 ay nawala na raw si Evelyn, pero ang sabi ni Joanna sa mga kapatid niya, pumunta lang ito sa Singapore dahil nagtatampo.

Sa isang Facebook post ni Joanna, makikitang binati niya pa noong Mayo 2016 ng Happy Mother’s Day ang nanay niya.

“Hi Ma! Happy Mothers Day pati nadin sakin HAHA! Wish you all the best Thank you for being a Mother/Father samin ni Kuya and Johan. Yieee!” sabi ni Joanna sa post.

“Sorry sa lahat alam mo na yun. Dami eh haha. Basta kahit anong mangyare Love kita. P.S. sa birthday ko ah! LamNa!” dagdag niya pa.

Noong Hunyo 2016 naman, nagpasalamat pa si Joanna sa nanay niya dahil sa regalo nito para sa kanyang 18th birthday.

“Wiiiiw! Happy Birthday Joanna. Thank you to my Beautiful MEvelyn Wong Sayoslyn sa New Phone, Baby Oppo F1,” aniya.

“Sa ibang araw nalang daw yung ibang gifts HAHA! Chos. Loveyoou Ma!” sabi pa nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, noong Hulyo 2016 naman ay may kakaibang post si Joanna kung saan sinabi niyang: “Ma, ano? Game? Evelyn.”

Nag-birthday naman ang nanay niya noong Agosto 8, 2016 at binati niya rin ito. Nagkomento rin si Evelyn sa post kung saan nagpasalamat siya sa mga regalo ni Joanna sa kanya.

“Happy Birthday Ma! Okay naba yung mga treat ko sayo? Sexy mo dyan ah. Iloveyou,” aniya.

Sa kanyang huling post naman noong araw na rin na ‘yun, makikita ang family picture nila noong bata pa siya.

“Nakakamiss naman,” sabi niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Noong 2018 ay ni-report na sa pulisya ang pagkawala ni Evelyn Sayos. Matapos ang apat na taon ay nakita ang kanyang bangkay sa septic tank nila.

Si Joanna naman at ang nobyo niya ang suspek sa krimeng ito. Idinetalye rin ni Joanna ang ginawa nila at ang galit ng nobyo niya sa kanyang ina.

Samantala, sa naunang ulat naman ng KAMI ay isang Pinay sa Laguna ang namataang patay din sa loob ng kanyang kotse. Hinihinalang kakilala rin ng biktima ang suspek sa trahedyang ito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel