Sariling anak ang suspek! Nanay, natagpuan ang bangkay sa septic tank matapos ang 4 taon

Sariling anak ang suspek! Nanay, natagpuan ang bangkay sa septic tank matapos ang 4 taon

- Natagpuan ang bangkay ng isang babae sa loob ng septic tank apat na taon matapos nitong mawala

- Ayon sa pulisya, ang anak at ang nobyo nito ang suspek sa karumaldumal na krimen

- Noong una ay pinalabas ng anak na pumunta lang sa ibang bansa ang nanay niya dahil nagtatampo ito

- Subalit, umamin din ang anak nito na sila ang may sala at idinetalye niya pa ang ginawa nila ng nobyo niya sa kanyang mismong nanay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang bangkay ang natagpuan sa loob ng septic tank sa Dasmariñas, Cavite kamakailan lang.

Nalaman ng KAMI na apat na taon nang nawawala ang babaeng natagpuang patay.

Sariling anak ang suspek! Nanay, natagpuan ang bangkay sa septic tank matapos ang 4 taon

Larawan mula sa Facebook page ni Joanna Marie Sayos
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng 24 Oras, ang suspek sa karumaldumal na krimeng ito ay ang mismong anak ng biktima at ang nobyo nito.

Noong 2016 ay nawawala ang biktimang si Maria Evelyn Sayos, 54 anyos. Ngunit, sabi ng anak nitong si Joanna Marie Sayos sa kanyang mga kapatid, nagtampo raw ang nanay nila kaya pumunta munang Singapore.

Taon-taon ay nagtetext pa rin daw ang nanay sa mga anak nito sa tuwing may birthday o espesyal na okasyon. Taong 2018 naman ay pormal nang ni-report sa pulisya ang pagkawala ni Evelyn.

May nagbigay ng tip sa pulisya kaya inimbitahan nila ang anak na si Joanna at ang nobyo nito upang maka-usap. Umamin naman ang anak na sila nga umano ang may kagagawan ng krimeng ito sa mismong nanay niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kwento ni P/Lt. Col. Richard Ang, niloko ng magkasintahan na may surpresa silang hinanda para sa nanay ni Joanna. Dito na nga hinampas ng martilyo ng nobyo si Evelyn. Dahil may buhay pa ito, inutusan umano ni Joanna na kumuha ng kutsilyo ang nobyo niya upang tuluyan nang patayin ito.

Dahil may hindi pa tapos na septic tank sa loob ng bakuran nila, dito na lang naisip ng magkasintahan na itago ang bangkay ng biktima. Bumili pa sila ng semento, buhangin, at graba para matakpan ito sa tuwing mangangamoy.

Nagsumite na ng affidavit ang anak upang idetalye ang krimeng ginawa nila. Aniya, may galit daw ang nobyo niya sa nanay niya.

Sinara naman na ng pulisya ang kasong ito, lalo na sa nawawalang si Evelyn.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, isang Pinay naman sa Laguna ang nasangkot din sa isang karumaldumal na krimen.

Sa naunang balita ng KAMI, ang babaeng si Jang Lucero ay namataang patay sa loob ng sarili niyang kotse matapos nitong maging part-time driver sa iba’t-ibang mga pasahero.

Si alyas “Althea” naman ang sinasabing nagplano umano ng pagpaslang kay Jang Lucero. Nasapul sa CCTV footage ang mga naging huling pasahero ni Jang.

Matapos ang ilang araw, inaresto naman ng mga pulis ang suspek sa pagpatay kay Jang matapos nitong mahuli sa CCTV na isa siya sa mga naging huling pasahero ng biktima.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel