Katrina Halili, prinangka ang netizen ukol sa "pagsuporta sa ABS-CBN"

Katrina Halili, prinangka ang netizen ukol sa "pagsuporta sa ABS-CBN"

- Naging prangka si Katrina Halili nang sagutin ang isang netizen na hinahanapan siya ng pagsuporta sa ABS-CBN

- Ayon pa sa netizen, baka raw kasi magalit si "Darna" kay Katrina na maaaring ang tinutukoy ay si Angel Locsin na gumanap na sikat Pinay superhero noong 2004

- Matatandaang gumanap si Katrina bilang "Black Darna" sa nasabing Kapuso hit

- Agad namang rumesbak ang mga followers at tagahanga ni Katrina para suportahan ang Kapuso actress

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Deretsong sinagot ni GMA actress Katrina Halili ang isang netizen na hinahanapan siya ng pagsuporta sa ABS-CBN.

Ayon pa nga sa netizen, baka raw kasi magalit si "Darna" sa kanya na posibleng ang tinutukoy ay si Angel Locsin na siyang gumanap sa sikat na Pinay superhero.

Noong 2004, nagsama sa Kapuso hit na "Darna" si Katrina at Angel. Gumanap bilang "Black Darna" si Katrina sa nasabing palabas sa telebisyon.

Katrina Halili, prinangka ang netizen ukol sa "pagsuporta sa ABS-CBN"

Katrina Halili and Angel Locsin in Darna 2004; screen grab from GMA Network
Source: UGC

"Hi katring wala kaba pagsuporta sa kapamilya, makiisa ka naman sa pinag daraanan nila, magagalit si darna sayo," ayon sa netizen.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Kailangan ba magpost talaga, pwede naman isama sila sa prayers ko. Kung gusto mo sumama sa kanila, walang pumipigil sayo," sagot ni Katrina.

Matatandaang sa ginanap na rally kamakailan na dinaluhan ng mga supporters ng ABS-CBN, nakiisa si Angel sa mga ito at matapang na binatikos ang mga kapwa-artistang hindi umano nagpapakita ng suporta sa kompanya at mga empleyado nito.

Ang Kapuso actress naman na si Jennylyn Mercado, matapang na nagpahayag ng suporta sa Kapamilya network.

Samantala, agad naman rumesbak ang mga followers at fans ni Katrina para suportahan ang Kapuso actress sa kanyang naging pahayag.

"Magagalit si Darna? Ano ito sindakan, sapilitan? Paki alam ba nila kay darna, lalo na yung mga ayaw at gustong tahimik lang, tama naman si Ms. Katrina na puwedeng isama sila sa prayers. Umayos nga kayo, kaya kumakalat ang covid dahil sa mga gaya niyong pasaway. #RallyPaMore," ayon sa isang netizen.
"Hindi kasi lahat need ipost hehe proud of you bhe," sabi pa ng isa.
"Tama! May ibat-ibang pamamaraan. Salamat sa pakikiramay beh!!" sagot naman ng isa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Katrina Halili ay isang Pinay actress na sumikat bilang magaling na kontrabida sa Kapuso network.

Una itong nakilala nang sumali sa StarStruck batch 1 noong 2003 kung saan kasabay nito sina Jennylyn Mercado, Mark Herras at Sheena Halili.

Naharap ito sa malaking kontrobersya sangkot ang sikat na doktor na si Vicki Belo at ang mister nito na si Hayden Kho.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel