DJ Loonyo, binweltahan ng ina ng kanyang anak matapos lumabas ang "kwento ng kanyang buhay"

DJ Loonyo, binweltahan ng ina ng kanyang anak matapos lumabas ang "kwento ng kanyang buhay"

- Hindi na napigilang magsalita ng dating karelasyon ni DJ Loonyo

- Ito ay matapos niya umanong mapanood ang isang palabas na hango sa buhay ng sikat na choreographer

- Inalmahan niya ang ilan sa mga pinalabas na bahagi ng kwento na ayon sa kanya ay walang katotohanan

- Isinalaysay niya sa publiko ang umano'y tunay na nangyari, taliwas sa pinalabas na kwento

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bumwelta ang dating karelasyon ni DJ Loonyo matapos ipalabas sa isang TV program ang kwento ng buhay ni DJ Loonyo nitong Sabado.

Ayon sa babaeng nagpakilalang ina ng anak ng sikat na choreographer, hindi niya matiss na hindi magsalita matapos lumabas ang kwento dahil hindi umano totoo ang pinalabas doon.

DJ Loonyo, binweltahan ng ina ng kanyang anak matapos lumabas ang "kwento ng kanyang buhay"

Aika Flores
Source: Facebook

Ako po yung nanay nung anak ni rhemuel na sinalaysay niya sa isang show ng GMA. di ko na mapigilan di magsalita kasi SOBRA NA. sobrang pagmamalinis at kasinungalingan na ng taong to. di ko naman na kailangan talaga pabanguhin pangalan ko as his ex girlfriend pero as the mother of his child sobra na.

Isinalaysay ni Aika Flores kung paano sila nagkakilala ni DJ Loonyo. Aniya, nagkakilala sila nang sumali ang grupo ni "Rhems" sa isang contest ng isang show kung saan dancer naman si Aika.

Doon umano nagsimulang manligaw si Rhems. Binigyan niya ito ng chance kahit pa may nagtext umano sa kanya na nagpakilalang karelasyon ni Rhems sa CDO dahil itinanggi naman umano niya ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hanggang sa isinama umano siya ni Rhems sa CDO upang ipakilala siya sa kanyang pamilya. Tumagal ng 5 buwan ang kanyang pamamalagi doon kahit pa ang usapan umano nila ay dalawang linggo lang.

Ayon sa kwento ni Aika, nalaman niyang buntis siya bago siya nakabalik ng Maynila at papanagutan naman umano ni Rhems ang kanilang anak.

Gayunpaman, natuklasan umano ni Aika na may ibang nakakausap na babae si Rhems sa Facebook noong nakabalik na siya sa Maynila at ang kasunod umano nun ay hiniling niyang huwag nang ituloy ang pagbubuntis.

Dahil sa isang hindi pagkakaunawaan, tuluyan nang iniwan ni Rhems si Aika at nagkaroon umano ito ng ibang karelasyon.

Ayon sa kwento ni Aika, hindi totoong pinagtabuyan niya si Rhems, taliwas sa inilabas na kwento. Unang beses niya lang umano itong makita ay noong nawala na ito taong 2017.

"Nawala ang anak ko ng di ka nakilala. Walang guil sa puso ko dahil alam nating dalawa na ikaw ang pumili non. Kaya sana kahit konti lang pakita mo naman na mahal mo siya. Wag mo na iclaim na minahal mo siya dahil ako nasasaktan para sa anak ko."

Si DJ Loonyo o Rhemuel Lunio ay isang China-based Filipino choreographer na nakilala sa kanyang paggawa ng mga dance covers sa social media. Nakilala ang tambalan nila ng aktres na si Ivana Alawi matapos nilang magkasama sa isang YouTube video ng aktres.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Naging viral kamakailan si DJ Loonyo dahil sa kanyang pahayag tungkol sa mass testing at paggamit ng facemask.

Isa ang aktres na si Lauren Young sa umalma sa kanyang naging pahayag.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel