Saklap nito! Nagreklamong mister, windang sa inamin ni misis at kabit

Saklap nito! Nagreklamong mister, windang sa inamin ni misis at kabit

- Labis ang sama ng loob ng isang OFW sa nalaman tungkol sa kanyang misis na may iba na palang lalaki

- Bukod sa pag-amin nito ng relasyon sa ibang lalaki, inamin din nito na ito ay nabuntis na ng kanyang kabit

- Kaya naman desidido si mister na kasuhan ang kanyang misis at ang lalaki nito

- Si Raffy Tulfo naman ay nangako na tutulungan ang OFW sa kaso laban sa asawa at ang pag-uwi nito sa Pinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naiyak na lamang sa sama ng loob ang overseas Filipino worker (OFW) na si Nilo Barelos nang ilahad ang kanyang reklamo laban sa misis na nasa Pilipinas na si Ivy Barelos.

Hindi raw matanggap ni Nilo ang pag-iwan ng asawa sa kanilang mga anak para sumama sa ibang lalaki, ayon sa panayam dito ni Raffy Tulfo sa programang Raffy Tulfo in Action.

Saklap nito! Nagreklamong mister, windang sa inamin ni misis at kabit

Photo from Raffy Tulfo in Action Facebook page
Source: Facebook

Pero mas lalong tumindi ang kanyang hinanakit nang madiskubre na buntis na pala si misis at ang kabit nito ang ama.

Hindi na itinanggi pa ni misis at ng kabit nito na si Junjun Larosa ang pagdadalangtao ng una.

Depensa naman ni misis, nananakit at nambabae rin umano si mister!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Itinanggi ni Nilo ang paratang ni Ivy bagamat inamin nitong mayroon nga siyang nakaka-chat na iba.

Pero ang lahat daw ng kanyang pinagpapaguran ay para sa kanyang pamilya na naiwan sa Pinas.

Matagal na rin daw niyang sinuyo si Ivy para bumalik sa kanilang mga anak ngunit hindi raw siya sinunod nito.

Kaya naman desidido si Nilo na sampahan ng kaso si Ivy at si Junjun.

Humingi rin ito ng tulong kay idol Raffy para siya ay makauwi na dahil nag-aalala na siya sa kanyang mga anak.

Nangako naman si Tulfo na tutulungan si Nilo para ito ay makauwi na sa bansa at maharap ang isasampang kaso laban sa dalawa.

Samantala, isa pang mister na pancake vendor ang inireklamo rin ang kanyang kinakasama na bigla na lamamg umalis sa kanilang bahay at mayroon na rin umanong ibang lalaki!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa sa mga inaabangan ng fans ang mga merchandise ng programang Raffy Tulfo in Action na nakilala dahil sa kanilang public service.

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang mamamahayag sa bansa at kinikilala ng marami ang kanyang pagtulong.

Kamakailan lang, isang OFW ang lumapit sa programa ni idol Raffy upang ireklamo ang aktres na si Sheryl Cruz.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel