Anak ng magsasaka, isang ganap na doktor na ngayon at handa nang labanan ang COVID-19

Anak ng magsasaka, isang ganap na doktor na ngayon at handa nang labanan ang COVID-19

- Nagbunga na ang paghihirap at sakripisyo ng mag-asawang magsasaka sa South Cotabato

- Ngayon, isang ganap na doktor na ang anak nila at mataas pa ang grado nito nang makapagtapos siya

- Labis naman ang pasasalamat ng anak sa lahat ng sakripisyo at suporta sa kanya ng pamilya niya.

- Subalit, nalungkot naman ito dahil ang pinakahihintay nilang graduation day niya ay naudlot dahil sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang anak ng mga magsasaka sa South Cotabato ang nakapagtapos na ngayon ng kanyang kursong medisina at handa nang sumabak sa laban kontra COVID-19 ngayon.

Nalaman ng KAMI na ang 25 anyos na lalaki ay isang ganap na doktor na.

Anak ng magsasaka, isang ganap na doktor na ngayon at handa nang labanan ang COVID-19

Photo from Facebook account of Arenz Jade Docdocil
Source: Facebook

Ayon sa Facebook post Arenz Jade Docdocil, hindi naging madali para sa kanya na tuparin ang pangarap niyang maging doktor dahil sa kahirapan. Ang mga magulang niya ay magsasaka at hindi sapat ang kita ng mga ito para matustusan ang pag-aaral niya.

Subalit, hindi naging hadlang ito para kay Arenz. Pumasok siya sa unibersidad na may pinakamurang tuition at naging scholar din siya. Doble kayod naman ang pamilya niya para masuportahan siya.

“Every week that passed by was a challenge for my parents to overcome. I am at least lucky that my family is very supportive to provide me my needs by exhausting all means available,” aniya.

“Despite all the aids given to support me and my education, including scholarship grant, my family still had a lot of sacrifices. It's unfathomable how my parents survived the times when they have nothing left in their pockets,” dagdag niya pa.

Naging malungkot din si Arenz dahil matapos ang lahat ng paghihirap nila ng pamilya niya, hindi manlang sila makakapunta ng graduation dahil sa banta ng COVID-19. Kwento niya, ilang buwang naghanda ang mga magulang niya, maging ang mga susuotin nila.

“They were so excited for the day they will be witnessing the biggest investment of their lives wear the highly coveted three-striped toga, marching up the stage, and receive the diploma of a Doctor of Medicine. Yet, this pandemic robbed that memorable experience from them,” sabi niya.

Malaki pa rin ang pasasalamat ni Arenz sa pamilya niya at sa mga taong patuloy ang pagsusuporta sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang balita ng KAMI, isang anak din ng magsasaka ang nagtagumpay matapos mag-Top 9 sa criminology licensure exams.

Samantala, sa ibang balita naman ay isang anak ng magsasaka sa Capiz ang nanalo ng P15 milyong halaga ng scholarship sa USA.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel