Suzette Doctolero, nagbahagi ng kanyang opinyon hinggil sa ABS-CBN franchise renewal

Suzette Doctolero, nagbahagi ng kanyang opinyon hinggil sa ABS-CBN franchise renewal

- Ibinahagi ng GMA Headwriter na si Suzette Doctolero ang kanyang opinyon kaugnay sa Franchise renewal ng ABS-CBN

- Aniya, hindi pwedeng gamiting pananggalang ng kumpanya ang mga empleyado nito at talents upang palusutin ang malaking kasalanan

- Dagdag pa niya, gusto naman niyang mabigyan ng pagkakataon na ma-renew ang franchise ng ABS-CBN

- Gayunpaman, dapat ay managot sa batas at idemanda umano ang mga may sala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng GMA Headwriter na si Suzette Doctolero ang kanyang pananaw hinggil sa kasalukuyang dinidinig na franchise renewal ng Kapamilya Network.

Ayon kay Doctolero, hindi si niya gustong mawalan ng trabaho ang mga empleyado at talents ng nasabing TV network pero hindi umano maaring gamiting dahilan sila para makalusot ang ABS-CBN sa kasalanan nito.

“Ayaw natin mawalan ng trabaho ang mga empleyado at talents pero hindi sila pwedeng gamiting pananggalang para palusutin ang malaking kasalanan (na allegedly, base sa hearing at mga ebidensya) ay tila yata tax evasion aka pagnanakaw o sige, tila yata katumbas ng economic sabotage ito oy. Kung ito ay tax evasion, Ito ay illegal at criminal na gawain. Press freedom ka dyan. Pwe!

Read also

Kampo ni Christine Dacera, sinagot ang alegasyong P2M insurance claim ang habol nila

Nilinaw niyang gusto niyang mabigyan ng franchise ang Kapamilya Network ngunit dapat umano ay idemanda at parusahan ang mga nagkasala.

Dagdag pa niya, hindi dapat palusutin ang allegedly ay pagnanakaw at pandaraya upang hindi pamarisan ng ibang kompanya.

“I hope mabigyan ng franchise dahil ayaw nating mawalan ng kabuhayan ang mga kapamilya, sa totoo lang. Boto ako na mabigyan uli sila ng chance pero ipenalty at idemanda ang mga nagkasala. Hindi pwedeng palusutin para gayahin ng marami pang malalaking kompanya ang allegedly ay pagnanakaw at pandaraya.. press freedom pa more ba?”

Suzette Doctolero, nagbahagi ng kanyang opinyon hinggil sa ABS-CBN franchise renewal
Suzette Doctolero, nagbahagi ng kanyang opinyon hinggil sa ABS-CBN franchise renewal
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang ABS-CBN o Alto Broadcasting System - Chronicle Broadcasting Network ay kilala din sa tawag na Kapamilya network. Maitututring itong isa sa pinakamalaking istasyon ng telebisyon sa bansa. Ayon sa kanilang pahayag, 11,000 ang empleyado nito na apektado sa kasalukuyang krisis na kanilang kinakaharap.

Read also

Raquel Pempengco, buong pusong tinanggap ang ina matapos siyang ipa-Tulfo

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matapos nga ang pagpapatigil ng pag-ere ng mga palabas ng ABS-CBN, napilitan nang itigil ang ibang mga programa nito.

Tuloy-tuloy na ring bumaba ang kinikita nito matapos ang ibaba ang cease and desist order mula sa NTC.

POPULAR: Read more about ABS-CBN shutdown here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate