Bea Alonzo, umalma sa fake news tungkol sa umano'y paglipat niya ng network

Bea Alonzo, umalma sa fake news tungkol sa umano'y paglipat niya ng network

- Inalmahan ni Bea Alonzo ang lumabas na balitang lilipat siya ng TV network

- Ito ay matapos ilabas ng isang news outlet ang tungkol sa balitang mapapanood na siya kasama ang ilan pang Kapamilya celebrities sa TV5

- Tinawag ng aktres na "fake news" ang nasabing balita na kanya ding ibinahagi sa kanyang Instagram Story

- Muling inalala ni Bea ang kanyang pagiging tapat sa Kapamilya network na naging tahanan niya simula nang pinasok niya ang mundo ng showbiz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang Instagram Story, ibinahagi ni Bea Alonzo ang screenshot ng balitang inilabas ng isang news outlet tungkol sa umano'y offer kay Bea Alonzo kasama sina Piolo Pascual at Jericho Rosales na lumabas sa isang teleserye sa TV5.

Matapos pabulaanan ng aktres ang lumabas na balita, agad namang binura ng news outlet ang nasabing article sa kanilang website.

Kasalukuyang dinidinig ang pag renew ng prangkisa ng ABS-CBN. Nagpaabot naman ng suporta ang mga artista at manggagagawa na apektado ng pagpapasara ng higanteng TV network.

Bea Alonzo, umalma sa fake news tungkol sa umano'y paglipat niya ng network

Bea Alonzo, umalma sa fake news tungkol sa umano'y paglipat niya ng network
Source: Instagram

Sa isang Instgram post ay ibinahagi din ng aktres ang kanyang katapatan sa ABS-CBN na nagsilbing tahanan niya simula nang pasukin niya ang mundo ng showbiz.

Isang throwback picture din na kuha noong nag-audition siya para sa isang serye sa ABS-CBN ang kanyang ibinahagi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Phylbert Angelie Ranollo Fagestrom o mas kilala sa kanyang screen name na Bea Alonzo ay isang aktres, host at singer. Marami sa kanyang ginawang mga pelikula ang pumatok sa takilya kagaya na lamang ng The Mistress, Eerie, Unbreakable at marami pang iba.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa gitna ng pandemya, ibinahagi kamakailan ni Bea ang kanyang bagong nakakahiligang gawin.

Isa din siya sa mga artistang aktibong tumulong sa mga apektado ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel