Anak, proud sa kasipagan ng mga magulang na nakapagpatayo ng sariling bahay

Anak, proud sa kasipagan ng mga magulang na nakapagpatayo ng sariling bahay

- Binahagi ng isang anak ang kwento ng pagsusumikap ng kanyang mga magulang na pawang mga mangingisda at magsasaka sa bukid

- Ipinagmamalaki niya ang mga magulang na dahil sa kasipagan ay nakapagpatayo ng sariling bahay

- Bukod pa rito, napag-aral pa siya ng mga ito kahit may kamahalan pa ang kursong kanyang napili

- Dahil sa kabutihan ng kanyang mga magulang, tinutulungan din niya ang mga ito at nangako siyang susuklian ang lahat ng sakripisyo na ginawa ng mga ito para sa kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Anak, proud sa kasipagan ng mga magulang na nakapagpatayo ng sariling bahay

Nakakaantig ng puso ang kwento ni Joi Dañoso Pabuaya kung saan buong ipinagmamalaki niya ang mga naipundar ng kanyang mga magulang na mangingisda at magsasaka.

Nalaman ng KAMI na nakapagpatayo na ng sariling bahay ang mga magulang ni Joi, at proud siya na lahat nang iyon ay gawa pa mismo ng kanyang ama.

Bukod pa rito, napag-aral din siya ng mga ito ng kursong HRM. Bagaman at may kamahalan ang kursong napili, hindi naman siya binigo ng kanyang mga magulang sa pagsuporta sa napiling kurso sa kolehiyo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

At dahil isang mabuting anak din si Joi, kumuha siya ng scholarship at naghanap rin siya ng part-time job upang matulungan ang kayang mga magulang sa gastusin sa kanyang pag-aaral.

Nakapagtapos na siya ng pag-aaral at nais na sana niyang magtrabaho subalit, nabalot naman ang mundo ng COVID-19 dahilan para hindi makapaghanapbuhay ang karamihan sa atin.

Panganay si Joi kaya naman handa talaga siyang tulungan at suklian ang mga paghihirap at sakripisyo ng kanyang mga magulang para sa kanilang pamilya.

"Ano man marating natin sa buhay, stay humble lang," pahayag ni Joi.

Hindi man daw ganoon kaganda ang kanilang tahanan ngunit malayo na raw ito sa itsura ng dati nilang tinitirhan.

Ang mahalaga raw ay pahalagahan ang mga bagay na mayroon ka at pagyamanin ito tulad ng ginawa ng kanyang mga magulang na nakapagpundar ng sariling mga ari-arian dala ng pagsisikap at kasipagan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel