Neneng B, may sagot sa mga nagsabing “tinamaan” siya ng Hungarian

Neneng B, may sagot sa mga nagsabing “tinamaan” siya ng Hungarian

  • Nagbigay ng reaksiyon si viral vendor Neneng B matapos siyang mapag-usapan sa mga komentong nagsasabing siya umano ay “tinamaan ng Hungarian”
  • Sa kanyang naging pahayag, direktang binanggit ni Neneng B ang naturang komento at sinagot ito gamit ang isang pahayag na may halong biro at matapang na pananalita
  • Ibinahagi ni Neneng B ang kanyang sagot habang patuloy na napapansin online ang kanyang mga post at pahayag na madalas nagiging paksa ng reaksiyon ng mga netizen
  • Samantala, dati nang naging viral si Neneng B dahil sa kanyang mga catchphrase at social media posts, kabilang ang ilang content na umani ng iba't ibang reaksiyon mula sa kanyang followers

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagbigay ng isang matapang na pahayag ang internet personality at viral vendor na si Neneng B upang sagutin ang mga kumakalat na komento tungkol sa kanya kamakailan. Ito ay matapos maging usap-usapan sa iba't ibang social media platforms ang mga alegasyon mula sa ilang netizens na sinasabing tinamaan umano ang sikat na personalidad ng Hungarian. Dahil sa mabilis na pagkalat ng pahayag online, inabangan ng marami ang magiging reaksiyon ng viral star.

Read also

Kobe Paras, nagpasalamat sa supporters at nagsalita sa mga kritiko

Neneng B, may sagot sa mga nagsabing “tinamaan” siya ng Hungarian
Neneng B, may sagot sa mga nagsabing “tinamaan” siya ng Hungarian (📷Neneng B/Facebook)
Source: Facebook

Sa halip na manahimik ay pinili ng viral star na harapin ang mga panibagong intriga na ibinabato laban sa kanya. Sa kanyang naging mensahe, makikita ang kanyang palaban at walang inuurungang personalidad nang diretsahan niyang patutsadahan ang mga taong walang habas na nagpapakalat ng nasabing usapin. Wala siyang paligoy-ligoy na nag-iwan ng babala para sa mga taong nakikisawsaw sa kanyang buhay.

Ito ang naging matapang na pahayag niya: "Tinamaan daw ako ng Hungarian, sige pag kayo naman tinamaan ng panis na bibingka, ewan ko na lang sa inyo."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Para sa mga hindi pamilyar, si Neneng B ay unang nakilala bilang isang masayahin, madiskarte, at nakakaaliw na street vendor na mabilis nag-viral dahil sa kakaibang istilo ng pagbebenta. Mula sa pagiging simpleng tindera, unti-unti niyang nakuha ang atensiyon ng maraming Pilipino dahil sa kanyang mga nakakatawang hirit at pagiging palabiro. Sa kabila ng kanyang biglaang kasikatan, hindi naiwasan na makatanggap siya ng iba't ibang batikos mula sa maraming tao na pilit naghahanap ng butas sa kanyang pagkatao. Gayunpaman, patuloy niyang ipinapakita na hindi siya magpapaapekto sa mga negatibong komento ng bashers. Ang kanyang pinakabagong pahayag ay nagpapatunay ng kanyang matatag na karakter pagdating sa pagharap sa online na intriga. Hinangaan din siya ng fans dahil idinaan pa rin niya sa pagpapatawa ang pagganti sa mga naninira sa kanya.

Read also

Ashley Rivera may tanong kay Patrick Garcia tungkol sa isang anak

Bago pa man sumabog ang isyung ito, naging laman din ng mga balita si Neneng B dahil sa ilang mga mahahalagang kaganapan sa kanyang buhay na buong puso niyang ibinahagi sa publiko.

Kamakailan lamang ay nagbigay din ng paglilinaw si Neneng B tungkol sa kanyang sumikat na catchphrase na palaging ginagaya ng mga netizens online. Buong husay niyang ipinaliwanag ang totoong pinagmulan ng kanyang sikat na linya at kung paano ito naging malaking bahagi ng kanyang pagkakakilanlan. Ang buong detalye tungkol sa kanyang linyang nagtatanong tungkol sa ulam at ang payo na huwag puro cellphone ay mapapanood sa kanyang nakaraang viral video.

Bukod sa kanyang mga nakakaaliw na video ay ginulat din niya ang kanyang mga tapat na tagasuporta nang ibahagi ang isang update tungkol sa kanyang personal na buhay. Naging malaking usap-usapan ang pag-post ni Neneng B ng mga larawan na nagpapakita ng kanyang lumalaking baby bump na umani ng napakaraming pagbati mula sa netizens. Ikinagulat at ikinatuwa ng marami ang balitang ito lalo na ng mga taong sumusubaybay sa kanyang paglalakbay mula nang siya ay unang sumikat online.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate