Ferdie Topacio, bumwelta kay Frankie Pangilinan kaugnay sa notes nito kay dating CJ Corona

Ferdie Topacio, bumwelta kay Frankie Pangilinan kaugnay sa notes nito kay dating CJ Corona

- Isang matinding patutsada ang naging tugon ni Atty. Ferdinand Topacio kay Frankie Pangilinan

- Ito ay matapos niyang ibahagi ang kanyang notes noong siya ay 11-anyos pa lamang

- Kaugnay sa impeachment trial ng yumaong dating Chief Justice Renato Corona ang nasabing note

- Tinawag ni Frankie na sinungaling at hindi inosente ang dating chief justice sa kanyang notes

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matindi ang naging buwelta ni Atty. Ferdinand Topacio kaugnay sa notes ni Frankie Pangilinan tungkol kay yumaong dating Chief Justice Renato Corona. Kamakailan ay umani ng samu't-saring reaksiyon ang nasabing Instagram post kung saan tinawag ni Frankie na sinungaling at hindi inosente ang dating chief justice.

Ang nasabing notes ay isinulat umano ni Frankie noong siya ay 11 anyos pa lamang.

Buwelta ni Topacio, isang lousy na lawyer ang ama ni Frankie.. "Sen Pangilinan is a lousy lawyer who couldn’t even win as kapitan till he married your mom and exploited her popularity,” aniya.

Dagdag pa niya, kung 12-anyos lang siya ay kanya nang sinampal si Frankie dahil sa hindi pagrespeto kay Corona, na tinuturing nitong ‘great man’.

Ferdie Topacio, bumwelta kay Frankie Pangilinan kaugnay sa notes nito kay dating CJ Corona

Ferdie Topacio, bumwelta kay Frankie Pangilinan kaugnay sa notes nito kay dating CJ Corona
Source: Twitter

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hinamon din ni Topacio si Megastar na kasuhan siya dahil malapit naman ito kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

“Ate Shawie, since the SOJ is your friend, SUE ME, BRING IT ON!” paghahamon niya.

Matatandaang naging sunod-sunod ang kinasangkutang kontrobersiya ng mag-ina kaugnay sa naging pahayag ni Frankie sa victim blaming kung saan maging si Ben Tulfo ay nakapag-react.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Sharon Cuneta ay kilala din sa bansag na Megastar. Nakilala siya dahil sa husay sa niya pagkanta at pag-arte. Ilan sa mga pinasikat niyang awitin ay Mr. DJ, "Naaalala Ka", "I-Swing Mo Ako", "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko" at "High School Life."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel