Batang biktima ni "Berna", kinumusta at sinurpresa ng programa ni Raffy Tulfo

Batang biktima ni "Berna", kinumusta at sinurpresa ng programa ni Raffy Tulfo

- Kinumusta ng programa ni Raffy Tulfo ang lagay ngayon ng batang si MJ, na matatandaang inabuso ng Berna Espina

- Dalawang taon na ang nakaraan nang gumawa ng ingay online si Berna dahil sa pang-aabuso nitong ginawa sa anak ng kanyang kinakasama

- Matinding mga pasa at sugat ang sinapit ng noo'y dalawang taong gulang na bata na halos di pa nga maayos na makapagsalita ngunit pilit na pinaliliwanag ang ginawa sa kanya ng madrasta

- Ngayong apat na taong gulang na siya, malaki na ang pinagbago ni Baby MJ na ngayo'y aktibo at masayahin na sa piling ng kanyang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matatandaang gumawa ng ingay sa social media si Berna Espina, dalawang taon na ang nakalilipas dahil sa pang-aabuso sa anak ng kanyang kinakasama.

Marami ang nagalit kay Berna dahil kitang-kita sa mga pasa at sugat ng bata ang tindi ng sinapit nito sa kanya.

Dalawang taong gulang pa lamang noon si Baby MJ, na halos hindi pa buo ang pagsasalita.

Ngunit paulit-ulit niyang nababanggit ang "bugbog Berna" sa tuwing tatanungin siya kung ano ang nangyari noon sa kanyang mukha at katawan.

Nalaman ng KAMI na kamakailan ay binisita ng programa ni Raffy Tulfo ang kalagayan na ngayon ni Baby MJ na nasa pangangalaga na ng kanyang inang si Marimar Quilap-Quilap.

Kwento ng ina, malaki na ang pinagbago ng kanyang anak mula nang mangyari sa kanya ang pananakit ni Berna.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Masigla na raw ito at masayahin at natututo nang makipaglaro sa kapwa niya bata.

Nang pinakita niya ang ngayo'y apat na taon gulang nang si Baby MJ, malusog ito at masasabing naalagaan nga ng mabuti ng kanyang ina.

Dahil sa malapit na rin ang kaarawan ng bata, sinurpresa rin siya ng programa ni Tulfo ng panghanda, laruan at damit at iba pang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Ayon pa sa ina ni Baby MJ, Marso 2019 nang makulong si Berna habang ang kanyang ama naman ay nakulong na rin nitong Enero ng kasalukuyang taon.

Napanatag na rin daw ang kanyang kalooban dahil nabigyan ng hustisya ang sinapit ng kanyang anak kay Berna Espina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel