Rhymes with wrong: Vhong Navarro, nag-trend sa Twitter matapos ang mga rebelasyon ni Kat Alano

Rhymes with wrong: Vhong Navarro, nag-trend sa Twitter matapos ang mga rebelasyon ni Kat Alano

- Trending si Vhong Navarro matapos na madawit ang kanyang pangalan sa "rhymes with wrong" na clue ni Kat Alano sa di umano'y umabuso sa kanya

- Nakadagdag pa ang sinabi ni Kat na sikat at aktibo pa rin ang aktor na sinasabi niyang nagtangkang humalay sa kanya

- Umamin ang dating model at VJ na isa siya sa mga biktima ng pang-aabuso sa kababaihan na mainit na usapin ngayon

- Binigay din niya ang rason ng hindi niya pagsasampa ng kaso sa sinasabing gumawa ng kahalayan sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kamakailan ay gumawa ng ingay ang dating VJ at model na si Kat Alano matapos niyang isa-publiko na maging siya ay naging biktima ng pang-aabuso sa mga kakabaihan.

Nalaman ng KAMI na una siyang nagsalita tungkol sa "victim-blaming" na kaya nagagawan ng pang-aabuso ang mga babae ay dahil sa kanilang kasuotan.

Ayon kay Kat, konserbatibong damit ang kayang suot nang maganap ang panghahalay sa kanya ng isa umanong sikat na artistang lalaki.

Sa naunang ulat ng KAMI, nagbigay pa ang dating aktres ng clue na "rhymes with wrong" na siyang ginagamit niyang hashtag sa mga tweets patungkol sa naging karanasan.

Dahil dito, mabilis na nag-trending ang pangalan ng It's Showtime host na si Vhong Navarro na di umano'y katunog ng salitang "wrong."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ayon sa Rappler, lumakas pa lalo ang kutob ng netizens nang sabihin pa ni Kat na aktibo at sikat pa rin ang aktor na umabuso sa kanyang pagkababae.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang aktor at TV host kaugnay sa pagkakadamay ng kanyang pangalan sa naturang rebelasyon.

Samantala, nagpaliwanag din ang dating modelo na kaya hindi na siya nakapagsampa ng kaso sa aktor ay dahil sa maimpluwensiyang tiyuhin nito.

Base sa ulat ng Philippine Star, binantaan pa umano si Kat na anumang kaso ang isasampa laban sa aktor ay magagawan ng paraan ng tiyo nito na agad na ma-dismiss.

Si Kat Alano ay dating modelo at MTV VJ. Sumabak din siya sa pag-aartista at napabilang din siya sa mga pelikulang “No Other Woman” at “In the Name of Love.”

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel