72 anyos na si Lolo Elmer, emosyonal nang hindi makasama sa mga nakalayang jeepney drivers

72 anyos na si Lolo Elmer, emosyonal nang hindi makasama sa mga nakalayang jeepney drivers

- Kamakailan, apat sa anim na mga jeepney driver ang nakalaya matapos nilang magprotesta noong nakaraang linggo

- Isa ang senior citizen na si Elmer Cordero sa hindi nakalaya at binalik muli sa kulungan

- Naglabas naman ng saloobin si Lolo Elmer dahil ang buong akala niya ay sabay-sabay silang makakalaya

- Hindi pa pinayagang makalabas si Lolo Elmer dahil may kapangalan siyang may nakabinbing iba pang mga kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa ang 72 anyos na si Elmer Cordero sa dalawang jeepney driver na hindi nakalaya nitong Lunes matapos nilang manghingi ng tulong noong nakaraang linggo.

Nalaman ng KAMI na naglabas ng saloobin si Lolo Elmer sa kanyang kinahinatnan ngayon.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sobrang lungkot ni Lolo Elmer dahil buong akala niya ay sabay-sabay silang makakalaya ng mga kasama niyang nakulong.

"Ako talaga ang pinakamalungkot ngayon kasi ako na pinakamatanda, ako pa naiwan dito,” giit ni Lolo Elmer.

“Akala ko kasi sabay-sabay kaming nakulong, sabay-sabay din kaming makakalabas,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi pa nakalaya si Lolo Elmer dahil may kapangalan siyang sangkot sa iba pang kaso at kailangan pa ng clearance mula sa korte.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nauna namang naibalita ng KAMI na apat na mga jeepney driver sa anim na kinulong ng Caloocan Police Department ang nakalaya na nitong Lunes.

Nagsimula ang kontrobersyal na isyu na ito noong magprotesta ang ilang miyembro ng transport group na Piston na payagan na muli silang pumasada dahil sa hirap ng buhay ngayon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)