Claire Gomez, umalma sa pambabatikos dahil sa isyu nila ni DJ Loonyo

Claire Gomez, umalma sa pambabatikos dahil sa isyu nila ni DJ Loonyo

- Nagsalita na sa wakas si Claire Gomez, ang babaeng nasasangkot sa isyu kaugnay kay DJ Loonyo at Ivana Alawi

- Kamakailan ay nilinaw ni DJ Loonyo ang umano ay tunay na nangyari sa pagitan nila

- Inamin nito na hindi niya sinabi kay Claire ang tunay na damdamin niya kay Ivana upang huwag itong masaktan

- Inalmahan ni Claire ang natatanggap na pambabatikos mula sa mga supporters nina DJ Loonyo at Ivana

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon sa social media ang video ng paglabas ng saloobin ni Claire Gomez, ang babaeng nadadawit sa isyung kinasasangkutan nina DJ Loonyo at Ivana Alawi.

Ayon kay Claire, nakakatanggap siya ng pambabatikos dahil siya ang sinisisi ng ilang mga followers ng Loovana kung bakit umano nag unfollow si Ivana kay DJ Loonyo.

Aniya, parehas lang sila ni Ivana napinagsinungalingan ni DJ Loonyo o Rhemuel Lunio. May sarili umano siyang dahilan kung bakit niya nagawang i-block ito.

Kaya niya nagawang i-block si DJ Loonyo dahil naguguluhan siya sa pinaparamdam at pakikitungo nito sa kanya. Kasunod niyon ay blocked na rin si DJ Lunyoo kay Ivana kaya kinonekta umano ng ilang mga fans sa kanya ang nangyari.

Kinuwestiyon din ni Claire kung bakit daw nagsinungaling si DJ Lonyoo sa kanya tungkol sa tunay nitong nararamdaman para kay Ivana kung tinuturing siya nitong good friend.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ikinalungkot din niya ang pagkadawit ng anak niya sa isyung pinupukol sa kanya. Hindi niya napigilang maging emosyonal nang isalaysay ang naging pag-uusap nila ng kanyang anak.

Panoorin ang buong video dito:

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si DJ Loonyo o Rhemuel Lunio ay isang China-based Filipino choreographer na nakilala sa paggawa ng kanyang mga dance covers sa social media. Nakilala ang tambalan nila ng aktres na si Ivana Alawi matapos nilang magkasama sa isang YouTube video ng aktres.

POPULAR: Read more about Entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel