Mga estudyanteng walang laptop, di raw kailangang bumili ayon sa DepEd

Mga estudyanteng walang laptop, di raw kailangang bumili ayon sa DepEd

- Nilinaw ng Department of Education na hindi kailangang bumili ng mga magulang ng laptop para sa kanilang mga anak ngayong pasukan

- Ito ay matapos na kumalat ng online classes na lamang ang gagawin bilang alternatibo sa hindi pagpasok ng mga bata sa paaralan

- Bukod sa online classes, gagamitin din ang TV at radio na siyang maaring pagmulan ng mga lessons ng mga estudyante

- Naghanda rin umano ang kagawaran ng mga printed modules na maaring ipamahagi sa mga walang gadgets

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mainit na usapin ngayon ang napipintong pagbubukas ng panuruang taon sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Isa na rito ang naihain ng Department of Education na online learning kung saan maari pa ring makapag-aral ang mga estudyante ng kanilang aralin kahit nasa bahay lamang.

Subalit, nalaman ng KAMI na maraming umalma na mga magulang patungkol dito lalo na ang mga walang laptop o tablet sa kanilang tahanan. Dagdag pa rito ang internet access na kailangan din daw nilang intindihin.

Ito ang nilinaw ng Kagawaran ng Edukasyon kung saan hindi raw dapat na mamroblema ang mga magulang sa online classes na ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bahagi rin ng alternatibong paraan ng pagkatuto ang paggamit ng telebisyon at radio na kadalasang mayroon naman ang bawat tahanan ngayon.

Maari ring gamitin ang cellphone kung saan karamihan naman ng kabataan ay mayroon na rin.

At ang isa pang alternatibo na isinusulong ng DepEd ay ang pamamahagi ng mga learning modules na maaring sagutan ng mga mag-aaral.

Isa ang local government unit sa maaring gawing tagapangasiwa ng Kagawaran sa pamimigay ng modules na gagawing lingguhan.

Maari ring makuha ang learning modules sa ilang naitalagang lugar kung saan maari itong makuha base sa itinakdang schedule.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ganitong paraan, makakapag-aral pa rin ang mag kabataang salat sa makabagong teknolohiya at makasasabay pa rin sa aralin gamit ang papel at lapis.

Sa darating na Lunes, Hunyo 1, magsisimula na ang online enrollment ng mga public schools.

Mahigpit na ibinilin ng DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na hindi kailangan pumunta ang mga magulang sa paaralan ng anak para i-enroll ang mga ito kung wala silang internet.

Maghintay lamang daw ng direktiba ng DepEd kaugnay sa pagpapalista ng mga walang internet connection.

Agosto 24 ang itinakdang araw ng opisyal na pagsisimula ng panuruang taon 2020-2021 ayon sa Department of Education. Inaasahang magtatapos ito sa Abril 30 sa susunod na taon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica