Mister, nag-FB live habang naliligo na may kasamang 2 babae sa banyo

Mister, nag-FB live habang naliligo na may kasamang 2 babae sa banyo

- Isang OFW na mister ang trending ngayon dahil sa lumabas nitong Facebook Live na nakita ni misis

- Hindi makapaniwala si misis na may kasamang dalawang babae si mister habang naliligo

- Bukod sa hindi sapat na sustento ng kanilang anak ay hindi rin tumitigil si mister sa pangangaliwa nito

- Dahil sa matinding galit, minarapat ni legal wife na ireklamo na si mister kay Raffy Tulfo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog sa programa ng Raffy Tulfo in Action ang isang misis na si Frances Lafuente Palentinos upang ireklamo ang kanyang mister na si Mark Escaro Palentinos, isang OFW sa Jeddah, Saudi Arabia.

Inireklamo ni Frances ang matagal na pambababae ng kanyang mister at nitong huli ay may lumabas pa itong video na pinalabas sa isang Facebook Live kung saan makikita si mister na naliligo na may kasamang dalawang babae.

Paliwanag ni misis kung sino ang dalawang babae sa video, "Yung isa po kabit niya talaga yun, naging kabit niya. Yung isa naman, best friend po ng kabit niya. May asawa din po yun."

Si misis pa raw ang inaaway ng mga kabit ni Mark at nasabihan pa siyang, "Titulado ka lang pero hindi na magiging iyo."

Bukod sa malaswang FB live, meron din daw isa pang video na nakikipaghalikan si mister sa isang babae.

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon pa kay Frances, "Inapak-apakan nila yung karapatan ko bilang legal na asawa, 'yun yung sobrang ikinagalit ko talaga."

Matagal na rin nakiusap si misis na magbago si Mark pero paulit-ulit lang niyang ginagawa ang panloloko rito. Bukod sa pambababae ay hindi rin ito nagpapadala ng tamang sustento sa kanilang anak at madalas din siyang murahin at insultuhin nito sa chat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang report ng KAMI, Tampok sa social media ngayon ang isang food delivery rider dahil sa kanyang dedikasyon sa trabaho. Kwento ng customer, matapos nilang um-order ay biglang lumakas ang ulan kaya na-cancel na ito. Pero nagulat siya dahil biglang dumating ang isang rider na sinuong ang baha at malakas na ulan. Maging ang mga netizens ay napabilib sa sakripisyo at serbisyo ng rider para sa customer.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel