Janus del Prado, ibinahagi ang malaking naitulong sa kanya ni Angel Locsin

Janus del Prado, ibinahagi ang malaking naitulong sa kanya ni Angel Locsin

- Ibinahagi ng aktor na si Janus del Prado ang ginawang pagtulong sa kanya ni Angel Locsin nang magkasakit siya noong 2014

- Ito ay sa gitna ng pambabatikos na nararanasan ngayon ng aktres matapos siyang magsalita tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN

- Ayon sa aktor, maraming naitulong ang aktres na hindi naibabalita kahit pa may nagsasabing pakitang tao lamang ang pagiging mabait niya

- Binanggit din ng aktor ang akusasyon sa aktres na isa siyang miyembro ng NPA

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng pambabatikos kay Angel Locsin ng ilang mga netizens, isang kaibigan, katrabaho at kapwa artista niya ang nagpahayag ng kanyang pagpupugay sa pagiging matulungin ng aktres.

Ayon kay Janus del Prado, marami pang ginawang tulong ang aktres na hindi naibabalita. Ito ay sa kabila ng akusasyong pakitang tao lang ang pagiging mabait ni Angel.

"Naalala ko dati nung nagka tigdas ako way back 2014, ikaw lang sa mga kakilala ko sa industriya ang nag-offer ng tulong at malasakit. Sinagot mo na nga hospital bill ko, nagpupumilit ka pa dumalaw kahit bawal kasi naka-quarantine ako sa hospital. Hehe. Baliw ka talaga. Salamat sa malasakit at sa pagkakaibigan," pagbabahagi ng aktor sa Instagram.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang may mga netizens na bumatikos kay Angel matapos niyang magsalita at maghayag ng kanyang saloobin kaugnay sa pagsasara ng kanyang home network.

"Sa mga bumatikos sa 'yo at gusto kang tapusin, paps. Wag mo na lang sila pansinin. Kilala ka naman ng mga taong malalapit sa 'yo at yung pagtingin namin sayo ang importante. Sabi ng mga trolls at bashers, pakitang-tao ka lang daw. Pero di nila alam na madami ka natutulungan na di nababalita. Gaya ko paps," dagdag pa ni Janus.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Janus del Prado ay nakasama ni Angel sa pelikulang "Four Sisters and a Wedding" at sa teleseryeng "The Legal Wife." Naging malapit silang magkaibigan kinalaunan.

POPULAR: Read more about Angel Locsin here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel