Netizens, emosyonal sa viral post ng anak na sinaluhan ang 'malungkot' na ina sa pagkain
- Viral ang post ng anak na pinakita ang kanyang pagmamahal sa ina sa hindi inaasahang paraan
- Malungkot daw na kumakain ang kanyang ina kaya inalam niya kung bakit
- Matapos na malaman, agad niyang sinaluhan ang ina sa pagkain upang maibsan ang sama ng loob nito
- Naging emosyonal ang mga netizens nang makita ang post dahil at marami sa kanila ang biglang na-miss ang kanilang ina
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Mabilis na nag-viral ang post ng netizen na si Ambon John patungkol sa kakaibang paglalambing niya sa kanyang ina.
Kwento ni John, napansin umano niya na kumakaing mag-isa ang kanyang ina.
Bukod pa rito, tila malungkot dito kaya naman agad niyang inalam kung bakit.
Iyon pala, tila nagdamdam ito dahil ang isang kapatid ni John ay hindi kumain dahil hindi nagustuhan ang pagkakaluto ng miswa ng kanilang nanay.
Nalaman ng KAMI na kahit busog pa si John, sinaluhan niya ang ina sa pagkain upang hindi sumama ang loob nito.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Bukod pa rito, sinabi ni John na masarap ang luto ng kanilang Mama kaya naman napangiti na niya ito.
Payo pa niya, nararapat lamang na pahalagahan ang bawat paghihirap ng ating mga ina.
"Appreciate them," wika ni John at sinabihan pa niya ang kanyang Mama ng "I love you."
Dahil sa sweetness ng anak, maraming netizens ang naging emosyonal at biglang na-miss din ang "luto" ng kanilang mga mama.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"From elementary hanggang mag ka trabaho ako pinapabaunan ako and never ako nagreklamo. Imagine yung effort and love, para makapag provide lang ng food sayo,miss my mom."
"Swerte nga kayo at ipinagluluto pa kayo ng nanay niyo, tama ginawa mo kuya"
"Sasama talaga loob ni mama mo, stress na rin yan tapos di pa ma-appreciate ang luto niya"
"Yes, appreciate your parents lalo na kung ganyan na nag-e-effort sila"
"Lucky you, kasama niyo pa mom mo at pinagluluto pa niya kayo"
Umabot na sa mahigit 106,000 na positibong reaksyon ang post at naibahagi na rin ito ng 36,000 na beses.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
'Di siya sumuko at natuto sa kanyang mga karanasan. Unti-unti siyang bumangon at nag-ipon at ngayo'y napakalapit na niya sa tuktok ng kanyang mga pangarap.
How I Turned From A Call Center Agent Into A Hotel Co-Owner |
Source: KAMI.com.gh