Pinay at karelasyon nitong Amerikano, viral sa social media

Pinay at karelasyon nitong Amerikano, viral sa social media

- Usap-usapan sa social media ang kwento ng magkasintahang Ed at Rosemarie

- Si Rosemarie ay isang 23-anyos na Pinay habang isang Amerikano naman ang 54-anyos na si Ed

- Napanood ang kanilang kwento sa American program na 90 Days Fiance na napapanood sa iba't-ibang panig ng daigdig

- Maraming beses ba pinahiya ni Ed si Rosemarie at kamakailan nga ay binasag na nito ang kanyang katahimikan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napapanood sa programang 90 Day Fiance ang magkarelasyon na sina Ed at Rosemarie. Sa kabila ng agwat ng kanilang edad, nagpahayag sila na parehas nilang mahal ang isa't-isa.

Gayunpaman, makikita sa ilang mga episode ng nasabing programa ang pang-iinsulto at pamamahiya ni Ed kay Rose. Parehas silang may tig-iisa nang mga anak.

Ilan lamang sa pamamahiya na natanggap ng Pinay ay ang pagsabi ni Ed na mabaho ang kanyang hininga at binigyan siya nito ng mouthwash, toothbrush at toothpaste.

Marami sa mga netizens ang nagsabing pwede naman sana sabihin iyon nang walang camera na nakatutok sa kanila.

Panuorin ang kwento nila dito:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang Instagram live video, nagsalita si Rose tungkol kay Ed. Nagsalita din siya tungkol sa akusasyon ni Ed tungkol sa panghihingi umano ng kanyang kapatid ng pera Marami naman ang naghayag ng kanilang suporta kay Rosemarie.

Rose may not be fluent in English but im glad that she valued her worth and defended herself
I feel so bad for her just seems like she’s such a sweet girl
I feel like Rose is a strong woman and respected Ed. She didn’t judge him when she first saw him

Ang 90 Day Fiance ay isang palabas sa Amerika kung saan ipinapakita ang prosesong pinagdadaanan ng magkarelasyong Amerikano at ibang lahi bagi sila maikasal. Binibigyan sila ng 90 araw para isaayos ang lahat para sa kanilang pagpapakasal.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kilalanin natin si Jhon Rellores, sa murang edad ay mapagbigay na siya sa kanyang kapwa. Panoorin ang video na ito at sana'y lahat tayo ay gumaya sa kanyang magandang gawain. Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel