Cute! Anak ng reporter, "nag-hello" habang live ang ama na nag-uulat

Cute! Anak ng reporter, "nag-hello" habang live ang ama na nag-uulat

- Viral ang video na kuha sa pagtatapos ng report ng DZMM correspondent na si Johnson Manabat

- Bigla na lamang kasing sumulpot ang kanyang anak at "nag-hello" habang nakasalang pa sa camera ang kanyang ama

- Nang tanungin ni Ted Failon ang bata, natawa na lamang si Manabat at sinabing anak niya ito

- Maraming netizens ang naaliw sa nakakatuwang video na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang nakakatuwang video clip kung saan bigla na lamang sumingit ang anak ng DZMM reporter na si Johnson Manabat.

Sa maiksing video clip na binahagi ni DJ Chacha, makikitang seryosong nag-uulat live mula sa kanilang tahanan si Manabat.

Kasalukuyan silang work-from-home dahil sa enhance community quarantine.

Nang nakikipagbiruan na si Ted Failon sa nasabing reporter, bigla na lamang sumulpot at nakunan ng camera ang cute na batang anak ni Manabat.

"Nag-hello" ang bata at hindi na ito nasaway pa ng ama na nagpaka-propesyunal pa rin sa harap ng camera.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agad namang nahila ang bata at patuloy na nagbiro si Failon.

Natawa na lamang si Manabat sa nangyari.

May caption ang video post na ito ni DJ Chacha na "BBC Moment sa DZMM kanina, buti na lang hindi pa naglalakad si Lexi. #WorkFromHome."

Maaalala kasing noong 2017 nag-viral ang BBC News interview sa isang South Korea-based professor.

Tulad ng nangyari kay Manabat, bigla na lamang sumulpot ang kanyang anak habang naka-live pa ito sa camera.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Learn how to dance, have video calls with friends and 5 other things you can do during quarantine that will make you feel better!

7 Useful Things You Should Definitely Do During Quarantine | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel