Lalaking napasama sa viral post ng isang babae na nakatayo sa bus, umalma

Lalaking napasama sa viral post ng isang babae na nakatayo sa bus, umalma

- Umalma ang isang lalaki matapos mapasama sa litratong ibinahagi ng isang babaeng kapwa niya pasahero

- Ayon sa post ng babae na ngayon ay burado na, ibinahagi niya ang kanyang karanasan na sumakay sa bus at walang lalaking nag-alok ng kanilang upuan

- Depensa naman ng lalaking nakaupo na nakita sa post ng pasaherong babae, pagod din siya mula sa trabaho

- Inihingi din niya ng dispensa na hindi niya naialok ang kanyang upuan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang umalma ng isang lalaki na nakita sa mga litratong ibinahagi ng kapwa niya pasahero. Makikita sa post na nakatayo ang babae at nahagip sa nasabing litrato ang mukha niya.

Sa isang Facebook post, ipinaliwanag ng Facebook user na si Denmark Maranan ang dahilan kung bakit hindi niya nagawang ibigay ang kanyang upuan.

Paliwanag niya pagod siya galing sa trabaho at kahit may bahay silang mas malapit sa kanyang pinagtatrabahuhan, mas pinili niyang umuwi sa bahay nila sa Bulacan kahit pagod ay para makita niya ang kanyang mga anak kahit pa datnan niya ang mga itong tulog dahil ginagabi na siya ng uwi.

Dagdag pa ni Maranan, wala siyang galit sa babaeng kanyang pinangalanang Miss Datu at nais niya daw humingi ng paumanhin at hindi niya ito napaupo.

Monday to Saturday gumigising ako ng 4am para pumasok sa work. from pandi Bulacan to Sta. Cruz manila. Ang maaga naming uwi Ng misis ko, swerte na sa 8:30pm kapag minalas malas ka pa Aabutin ka pa Ng 9pm to 10pm kapag traffic. Kahit sa office ako pumapasok iba pa Rin Yung pagod at antok sa araw na araw na byahe ko. Minsan di na ko nakakapasok ng sabado dahil sa pagod.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

May bahay kami sa Valenzuela pero mas pinipili Kong umuwi Ng Bulacan kahit pagod na pagod Makita ko Lang anak ko kahit tulog na .

Kay Ms. Sam Francisco Datu pasensya na Kung di Kita napaupo knina , pagod at puyat Lang po ako . Wala akong galit o sama Ng loob Kung ibash man ako Ng mga nakakakilala sayo. Basta ko kilala naman ako Ng mga taong nakapaligid sakin Kung anong ugaling Tao meron ako. Godbless!

Please share di ko masearch FB ni Mis. Datu sinend Lang Ng kaibigan ko sakin. gusto ko Lang mag sorry Kasi di ko sya napaupo sa upuan ko at mag thank you na din ako kasi sisikat ako nito! HAHAHAHAHA!

Dahil na rin sa pagbabago ng pananaw ng tao at dahil sa isinusulong na gender equality, marami sa mga netizens ang naglabas ng saloobin hinggil sa naging post ng pasaherong babae.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

GMA's newest series "Descendants of the Sun," which is an adaptation of a hit Korean series premiered on February 10. Its cast including Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis-Smith, and Rocco Nacino talked about their series in an interview with KAMI. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel