Honest! Estudyanteng naging tapat sa kanilang quiz, hinangaan ng guro

Honest! Estudyanteng naging tapat sa kanilang quiz, hinangaan ng guro

- Hindi naiwasan ng isang guro ang i-post ang "honest note" na natanggap mula sa kanyang estudyante na walang naisagot sa kanilang quiz

- Sa halip kasi na mandaya ito ay inamin na lamang nito ang totoo na wala itong naisagot

- Humanga naman ang guro sa pagiging tapat nito

- Pero pagliliwanag ng teacher, hindi niya kunukunsinti ang ganitong gawain at nilinaw ang naging rason ng estudyante kung bakit hindi ito nakasagot sa quiz

- Umani naman ng papuri ang guro mula sa mga netizens dahil hindi nito hinusgahan ang bata at binigyan pa ng ikalawang pagkakataon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Hindi naiwasan ng isang guro ang i-post ang "honest note" na natanggap mula sa kanyang estudyante na walang naisagot sa kanilang quiz.

Ayon kay Rinzie Vargas, isang Señior High School at College Instructor mula sa Pampanga, na-touch siya ng labis dahil sa ginawang ito ng isa sa kanyang mga estudyante.

Sa halip kasi na mandaya ito ay inamin na lamang nito ang totoo na wala itong naisagot.

Pero pagliliwanag ni Sir Vargas, wala raw ang estudyanteng ito noong tinalakay nila ang partikular na leksyon at hindi rin daw ito sigurado kung nakarating dito na magkakaroon sila ng quiz.

Huli na nang malaman ng guro na nasangkot pala sa isang aksidente ang kanyang estudyante.

Paglilinaw pa ni Sir Vargas, ito ang unang beses na ginawa ito ng etsudyante at hindi rin niya kinukunsinti ang ganitong gawain.

Humiling naman ito ng pang-unawa mula sa marami para sa bata.

Sabi pa ng guro, nagkausap na sila nito at nagdesisyon siyang bigyan ito ng pagkakataon na makabawi.

Dagdag pa nito, ibinahagi niya ito sa social media upang ipaalam ang kanyang paghanga para sa bata na mas pinili ang maging tapat kaysa ang gumawa ng hindi kaaya-aya.

"Pinost po ko tong papel ng bata kasi nabigla po ako at naantig sa ginawa nyang sulat imbes na sagutan ang mga katanungan ko. VALUES is more important than having a HIGH GRADES with me. Persepsyon ko po yon, yun po ako," anito.

Marami naman ang humanga kay Sir Vargas dahil hindi nito hinusgahan agad ang bata at inalam pa ang totoong dahilan nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone