YouTuber na si Keith Talens at asawa nito, sumagot na sa lahat ng patutsada ni Mang Jun

YouTuber na si Keith Talens at asawa nito, sumagot na sa lahat ng patutsada ni Mang Jun

- Matapos ang ilang araw ng pananahimik, binasag na ng mag-asawang Keith Talens at Vena ang kanilang katahimikan

- Ayon sa kanila, hindi daw simpleng isyu lang ang kanilang pinagdadaanan dahil may death threats pa silang natanggap

- Sinagot din nila ang isyu tungkol sa diumano ay pagiging babaero ni Keith na naging ugat ng gulong nangyari

- Kabilang din sa sinagot nila ay ang tungkol sa diumano ay pag-ipit ni Keith ng YouTube channel ni Mang Jun

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsalita na sa wakas ang YouTuber na si Keith Talens at ang asawa nitong si Vena hinggil sa isyu nila ng dating driver nila na si Mang Jun.

Matatandaang nagkaparinigan ang magkabilang kampo sa social media. Ilan sa mga alegasyong ibinato ni Mang Jun sa dating amo ay ang tungkol sa pambababae ni Keith na naging ugat diumano ng kanilang gulo.

Si Mang Jun daw ang sinisisi dahil ayon sa kanila siya ang nagbubuyo kay Keith para mambabae.

Nauna nang nagsalita si Mang Jun sa pamamagitan ng kanyang YouTube Channel. Bilang sagot sa mga patutsada ng dati nilang driver, ibinahagi din ng mag-asawa ang kanilang panig.

May dokumento din silang ipinakita na diumano ay magpapatunay na totoo ang kanilang mga sinasabi. Pinaliwanag naman ni Keith ang dahilan kung bakit hindi niya ibinigay ang YouTube channel na binanggit ni Mang Jun sa kanyang vlog.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi naiwasang maging emosyonal nina Keith at Vena habang isinalaysay nila ang kanilang saloobin hinggil sa mga nangyayari sa kanila sa kasalukuyan.

Si Keith Talens ay isa sa pinakasikat na Pinoy YouTuber. Siya ang may-ari ng YouTube channel na Keith Talens World na ngayon ay mayroon nang 2.34 milyon subscribers.

POPULAR: Read more viral news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! Click the play button ang find out how many among the respondents could recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel