Unconditional love: Lalaki, pinakasalan ang nobya ilang oras bago ito pumanaw

Unconditional love: Lalaki, pinakasalan ang nobya ilang oras bago ito pumanaw

-Isa sa pinakamasakit na sandali para sa mga nagmamahalan ang paghiwalayin ng kamatayan

-Tulad na lang nang nangyari sa lalaking si Peter mula sa Bacolod City

-Pumanaw ang misis nito ilang oras matapos ang kanilang kasal sa ospital

-Nanliligaw pa lamang daw ang lalaki nang tapatin na ito ng kanyang asawa na mayroon itong sakit sa puso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa sa pinakamasakit na sandali para sa mga nagmamahalan ang paghiwalayin ng kamatayan na walang sinuman ang makapipigil.

Tulad na lang ng nangyari kay Peter Labayen na nangungulila ngayon sa asawang si Michelle Lanistoza.

Ayon sa report ng ABS-CBN, nanliligaw pa lamang si Peter kay Michelle nang tapatin na ito ng huli tungkol sa kanyang sakit na rheumatic heart disease.

Natakot raw noong una si Michelle na baka iwan siya ni Peter kapag nalamang mayroon siyang sakit.

Setyembre noong nakaraang taon nang maospital si Michelle.

Dito, tinaningan na ng mga doktor ang buhay ng babae.

Dahil sa pangyayaring ito, nagdesisyon si Peter na tuparin ang kanilang pangarap na mag-isang-dibdib.

Pinakasalan ni Peter si Michelle sa loob ng intensive care unit ng isang ospital sa Bacolod City habang nakaratay ang minamahal.

Nangyari ito sa mismong kaarawan ng babae, Setyembre 16.

Ngunit walong oras matapos ang seremonya, pumanaw si Michelle.

Ayon kay Peter, dahil sa kanyang naranasan, natutunan niya kung ano ang totoong pagmamahal.

Bumuhos naman ang lungkot at pakikiramay para rito sa social media.

"Love Wins always. Condolences."

"Love Wins always. Condolences."

"Rip loves never dies."

"Unconditional love true love."

"It breaks my heart."

"Love knows no limit."

"Nakakaiyak. Tunay at wagas na pag-ibig."

"So rare to find a man like him."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakikiramay ang KAMI sa mga naiwan ni Michelle.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel