Part 2: Ang face-off ng social media influencer na si Leng at 'Makagago'

Part 2: Ang face-off ng social media influencer na si Leng at 'Makagago'

- Nagharap na sa wakas ang social media influencer na si Arlene 'Leng' Altura at ang YouTuber na si Mark Jayson Warnakulahewa o 'Makagago'

- Ito ay matapos dumulog ni Leng sa programa ng 'Raffy Tulfo in Action' dahil umano sa paninira ni Mark sa kanya

- Hindi napigilang maging emosyonal ni Leng at talagang naiyak ito sa kanilang paghaharap

- May mga naging kundisyon din si Leng sa YouTuber na si Mark na kailangan niyang tugunan agad-agad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos mag-viral ng reklamo ng isang social media influencer na si Arlene 'Leng' Altura sa YouTuber na si Mark Jayson Warnakulahewa o 'Makagago' ay lumabas na ang inaabangang face-off ng dalawang kampo.

Matatandaang nagreklamo si Leng sa programa ni Raffy Tulfo matapos siyang akusahan ni Mark ng abortion at video scandal.

Nalaman ng KAMI na naging emosyonal si Leng sa kanilang paghaharap at hindi nito napigilang umiyak habang naglalabas siya ng sama ng loob.

Nauwi rin sa pag-aayos ang dalawa sa bandang huli sa kundisyon ni Leng na maglalabas ng public apology si Mark at lilinisin niya ang kanyang pangalan.

Nakatanggap din si Leng ng napakagandang payo mula kay Idol Raffy.

"Respect begets respect. If you want to be respected, then magpapakita ka ng ka-galang-galang sa mga content sa video mo, para ikaw ay galangin at hindi ma-bash.

"Kung gusto mong respetuhin ka nila, huwag ka magpakita ng kalaswaan. Huwag ka na rin magpagamit sa mga sponsors."

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang report ng KAMI, dumulog sa tanggapan ni Raffy Tulfo ang social media influencer na si Arlene 'Leng' Altura para ireklamo ang YouTuber na si Mark Jayson Warnakulahewa o 'Makagago.'

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel