Pebrero raw! Bagong pangitain ng Pinay psychic, mabilis na nag-viral

Pebrero raw! Bagong pangitain ng Pinay psychic, mabilis na nag-viral

- Isang nakakikilabot na post ang binahagi ng Pinay psychic na si Hayi "Mamu" Cruz sa kanyang Facebook page

- Tila konektado raw ito sa malakas na pagsabog ng Taal na sinasabing maaring maganap sa Pebrero

- Matatandaang si Mamu ang nakapagbigay ng prediksyon sa malakas na lindol na naganap nga noong Abril 2019 sa Luzon

- Siya rin ang di umano'y nakahula ng pagsabog ng bulkang Taal na kanyang binahagi sa KMJS noon ding nakaraang taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang nakakikilabot na Facebook post ng Pinay psychic na si Hayi "Mamu" Cruz.

Matatandaang si Mamu ang psychic na nakahula raw ng pagsabog ng Taal nang lumabas ito sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Abril nitong nakaraang taon nang sabihin niyang maaring magising ang bulkang Pinatubo gayundin ang bulkang Taal.

Makalipas nga ang siyam na buwan ay nagkatotoo ito.

Sa kanyang Facebook post ngayong Enero 23, sinabi nitong naisama siya ng kanyang gabay na si "Marikit" sa mismong "scenario" ng Taal.

Doon tahasan niyang tinanong kung tapos na raw ba itong mangalit at kung tuluyan na ba itong mananahimik.

Ngunit, imbis daw na si "Marikit" ang sumagot, isang boses ng lalaki ang kanyang narinig.

"Ngayong Pebrero, hintayin niyo ang pinakamalakas na pagsabog na gigimbal sa buong mundo tapos ang huling narinig ko na lang ay "8" ang isinagot daw nito.

Maging si Mamu ay naguluhan daw sa kanyang nalaman. Di niya matukoy kung ang numerong "8" ay petsa at oras ng di magandang mangyayari di umano sa Taal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nilinaw din ni Mamu sa panayam sa kanya muli ng KMJS na isina-ere nitong Linggo, Enero 19 na wala raw siyang intensyong manakot. Ang nais lamang niya ay makapagbigay ng babala sa maaring mangyari at sinasabi niyang madalas na nagkakatotoo.

Samantala, tila nakaabang na ang mga netizens sa mga post ni Mamu kaya naman sa loob lamang ng tatlong oras mula nang maibahagi niya ang nakakakilabot na panibagong premonisyon, nai-share na agad ito sa nasa 8,000 beses.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens:

"Ang pinakamalakas n pagsabog na gigimbal sa buong mundo?.. bigla tuloy ako ntakot ..wag nman po sana ang intensity 8 na pagsabog?..sobrang lakas nun ...panginoon hesus tulungan nio po kmi"
"February 8. Kabilugan ng Bwan. January 12 nang pumutok ang bulkang Taal at itoy kabilugan ng bwan. February 8 ang sunod na kabilugan ng bwan. Posibleng may kaugnayan ito dahil malakas ang gravity pull ng bwan pag full moon."
"Walang impossible pag sabay sabay tayong mag dasal na humupa na ang taal at Wag na muling sumabog Ang imposible sa tao ay posible sa dyos.. Dasal lang ng dasal at papakingan nya tayo.. Maghihimala sya mula sa langit.."
"Nakakalungkot peru itoy isang babala sa ating lahat sana taimtim tayu manalangin na wag na matuloy at maraming maapektuhan at sana wag masyado gahaman ang ibang tao sa mga relief goods imbes ipamahagi itoy ipinagdadamot sa sarili nilang kapakanan..."
"Maging handa pa rin po tayo at palaging mapagmasid. Di dahil nananahimik ang bulkan ngayong mga panahong ito ay tuluyan ng kakalma. Di natin masasabi ang oras at panahon ng talagang pagsabog ng bulkang taal. Magdasal na lang po tayo na sana ay maging ligtas ang lahat."

Narito ang kabuuan ng post ni Mamu:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel