Lalaki, napainom ng tubig at naihi nang maipit sa giyera ng 2 babae sa buhay nya

Lalaki, napainom ng tubig at naihi nang maipit sa giyera ng 2 babae sa buhay nya

- Hindi kinaya ng isang lalaki ang mga eksena sa gitna ng "talakan" ng kanyang kinakasama at ng kanyang number 2

- Una nang naidulog ng kanyang live-in partner ang pananakit ng lalaki sa kanya

- At matapos nga silang pagharapin ni Raffy Tulfo sa studio ng programa nito ay tila natameme naman ang lalaki

- Sa katunayan ay nakailang bote ito ng tubig at naihi sa gitna ng episode ng programa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila hihimatayin ang lalaking inireklamo ng kanyang kinakasama matapos mapagitna sa "talakan" ng live-in partner at ng kanyang isa pang jowa.

Una nang idinulog ni Venus Amigo ang kanyang reklamo laban kay Romiel Gonzales sa programang Aksyon.

Dito sinabi ni Amigo na ang ugat ng kanilang pagtatalo ay ang pambababae ng kinakasama na nagresulta pa sa pananakit nito sa kanya.

Sa katunayan, pumunta ito sa tanggapan ng TV5 at humarap sa telebisyon na sariwa pa ang black eye.

Sabi pa ng babae, galing pa sila ng Batangas matapos silang palikasin dahil sa pag-aalboroto ng Taal Volcano.

Matapos nito ay nagawa silang pagharapin ni Raffy Tulfo sa kanyang programang Wanted sa Radyo.

Ngunit umpisa pa lamang ay natameme na si Gonzales lalo na nang makausap ni Amigo ang kanyang isa pang nobya na si Cathy Manlingas.

Intense at mabibigat ang mga salitang binitawan ng dalawang babae sa isa't isa.

Ayon kasi kay Manlingas, matagal nang hiwalay sina Amigo at Gonzales at sila na ng lalaki ang nagsasama.

Ngunit pinabulaanan ito ni Amigo at sinabing nagsasama sila ng lalaki bagamat inamin nito na minsan na silang naghiwalay noong nakaraang taon.

Pero dalawang linggo lang daw iyon nagtagal dahil bumalik na si Gonzales sa kanya at sinabing wala na raw ito at si Manlingas.

Naniwala naman dito si Amigo hanggang sa mangyari na nga ang pananakit nito sa kanya.

Samantala, hindi na nakapagsalita pa si Gonzales at napainom na lang ng tubig. May pagkakataon pang nagpaalam ito para umihi.

Nagdesisyon naman si Amigo na tuluyan nang ipakulong ang lalaki dahil sa pananakit nito at sa masasakit na ginawa nito at ni Manlingas.

Kahit pa kumbinsido si idol Raffy na dapat makulong ang lalaki ay binigyan niya ito ng pagkakataon na makiusap sa galit na galit na si Amigo.

Sa huli, pinili ni Gonzales si Amigo pero tila hindi bumenta ito sa babae.

Anito, natakot lamang ang lalaki na ipakulong niya ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel