Akala bakasyon lang! Misis, emosyonal sa surpresang "kasal" ng mister

Akala bakasyon lang! Misis, emosyonal sa surpresang "kasal" ng mister

-Viral ang kakaibang kwentong kasalan na ito dahil sa inakala ng misis na isang bakasyon lamang ang magaganap para kanilang 10th year anniversary ng mister

- Laking gulat nito na pagdating nila sa lugar, kinukunan na siya ng larawan at sinalubong siya ng kanilang supling na may dalang bulaklak

- Mas lalo siyang nagulat nang bumungad na ang mga mahal nila sa buhay upang masaksihan pala ang muli nilang pag-iisang dibdib

- Humanga ang mga netizens sa mag-asawang ito na kahit na isang dekada nang nagsasama ay nananatiling matatag ang pagmamahal sa isa't isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

"Napa-sana all" ang maraming netizens dahil sa kakaibang kwentong kasalan na binhagi ng Casa de fotografia noong Enero 17.

Ayon sa viral post, bakasyon lamang ang inaasahan ng misis para sa ika-sampung anibersaryo nila ng kanyang mister sa isang isla.

Sa paglapag pa lamang nila sa lugar, labis na itong nagtataka dahil may kumukuha na agad sa kanila ng larawan.

Mas lalo pang nagkaroon ng agam-agam ang misis nang bigla silang salubungin ng kanilang anak na may dalang bulaklak para sa kanya.

Laking gulat lalo niya nang makita na ang iba pa nilang mahal sa buhay ay naroon din sa lugar.

Nang bumungad na ang wedding gown, doon lalong naging emosyonal ang misis at tila unti-unti nang nauunawaan ang mga nangyayari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isang renewal of wedding vows pala ang inihanda sa kanya ng kanyang mister para sa kanila.

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang mag-asawa sa muling pananariwa nila ng kanilang pangako sa isa't-isa

Maging ang mga netizens ay humanga sa pagmamahalan ng dalawa na kahit isang dekada na silang mag-asawa ay nananatili silang matatag.

Umabot na sa nasa 14,000 ang positibong reaksyon ng post naibahagi na rin ito ng nasa 9,200 na beses.

Narito ang kabuuan ng post:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel