Chinese na nag-viral dahil sa pandudura, arestado na

Chinese na nag-viral dahil sa pandudura, arestado na

- Naaresto na ang isang Chinese national na nakuhanan ng video sa isang fast food restaurant kamakailan

- Makikita sa viral video ang pagdura ng Chinese sa loob mismo ng isang fast food restaurant

- Sinaway naman siya ng guard ng nasabing establisyemento ngunit sinagot-sagot pa nito ang guard

- Kinakaharap ng kinilalang si Jinxiong Cai ang mga kasong grave scandal, unjust vexation, at malicious mischief sa ilalim ng Revised Penal Code

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nagviral at umani ng pagkayamot mula sa Filipino online community ang video ng isang Chinese national na nakuhanang nandura sa loob ng isang fast food restaurant. Base sa caption ng post, uminit ang ulo ng Chinese na kinilala sa pangalang Jinxiong Cai habang hinihintay ang kanyang order.

Inaresto ng police special reaction team ang 35-anyos na dayuhan at kinakaharap ang mga kasong grave scandal, unjust vexation, at malicious mischief sa ilalim ng Revised Penal Code.

Makikita sa nasabing viral video ang pakikipagsagutan ng dayuhan sa guard ng fast food restaurant matapos itong sitahin dahil sa ginawang pandudura sa sahig ng mismong establisyemento.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Inanunsyo ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pagkaaresto Chinese national na nagmula umano sa mainland China.

Base naman sa CCTV footage na kuha sa kalapit na condominium, may dalawang motor na tinulak ang Chinese habang naglalakad papunta sa fast food restaurant.

Ayon kay Maj. Cicero Pura, deputy chief ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team, itinanggi ng suspect ang alegasyon laban sa kanya.

Gayunpaman, nang makaharap na ang guard na si Alejandro Natividad na kanyang minura, hindi na siya nakatanggi.

Sa tala ng Bureau of Immigration, nangunguna ang mga Chinese citizens sa listahan ng rude foreign tourists sa bansa.

POPULAR: Read more viral news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Carla Abellana is set to do drama series again. The Kapuso star revealed that she felt nervous with this comeback as she's been only doing romantic comedy series for the past three years! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel