Ex-BF na pinaghahampas ng tubo ang GF dahil sa selos, kalaboso na

Ex-BF na pinaghahampas ng tubo ang GF dahil sa selos, kalaboso na

- Matapos ang tatlong buwan, nakakulong na ang suspek sa kalunos-lunos na sinapit ng isang babae sa Maynila

- Una nang naidulog ng kaanak ng biktimang si Danica ang reklamo laban sa suspek na ex-boyfriend nito sa programa ni Raffy Tulfo

- Naging kritikal din ang lagay ng bikitma na halos mapatay na ng suspek

- Bukod sa krimeng ginawa sa dating kinakasama, nahulihan din ng ilegal na droga ang suspek nang maaresto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil daw sa pagmamahal kaya nagawa ng lalaking si Ryker Shafer ang kalunos-lunos na krimen sa nobyang si Danica Nuñez.

Pero matapos ang tatlong buwan ay naaresto na ang suspek sa Makati nito lamang Disyembre.

Setyembre noong nakaraang taon nang madatnan ang biktima ng kapatid nito na duguan at halos wala ng buhay sa bahay na tinitirahan nito.

Mismong ang salarin na si Ryker ang nag-text sa kanila para sabihing puntahan si Danica dahil napatay niya raw ito.

Selos umano ang naging dahilan ayon sa kapatid ng biktima. Bago kasi ang krimen ay nakipaghiwalay si Danica kay Ryker matapos mahuli ng una ang lalaki na may ibang babae sa mismong bahay nila.

Nakikipagbalikan daw ang lalaki ngunit tumanggi na si Danica dahil sa paulit-ulit na panloloko umano ng suspek.

Naidulog din ng mga kaanak ni Danica ang kanilang reklamo laban kay Ryker sa programa ni Raffy Tulfo na nagbigay naman agad ng tulong para sa mga ito, na una nang naibalita ng KAMI.

Nang makapanayam naman ng News5 ang suspek, sinabi nitong pinagsisisihan na raw nito ang nagawa sa dating nobya.

Ayon pa sa ulat, nahulihan din daw ito ng ilegal na droga kaya naman madadagdagan pa ang kasong isasampa rito.

Samantala, matapos dumaan sa kritikal na kalagayan ang biktima, nakalabas na si Danica sa ospital nitong Disyembre at patuloy na nagpapagaling.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel